Iisa ang Dios

Teksto:

Isaiah 46:9; Zechariah 14:9

 

Title:  Iisa ang Dios

Ang mundo natin ay winawasak ng pagkawatakwatak at kompetisyon.  Sa politika, matindi ang pagkalaspag ng ugnayan hindi lamang sa mga iba’t-ibang partido kundi maging sa magkakaibigan, mag-angkan at mga pamilya.  Ang masahol ay may patayan dahilan lamang sa walang kabuluhang kapangyarihan.  Sa ekonomya, lamangan ang nasa bawat lugar, unti-unting pinapabagsak ng mga malalaking tindahan ang mga maliliit, at ang mensahe nito ay matira ang matibay, na nagsasabi na ang mga mayayaman lamang ang unti-unting umaangat at mabubuhay.  Sa relihiyon at kultura, nangingibabaw pa rin ang kaisipan kung sino ang tama o mali, sino ang mas-mahalaga at hindi sa mata ng Diyos kaya dapat i-convert upang maging anak ng Diyos.  Ang tingin ng mga taga-urban sa taga-rural ay ‘uncivilized’ ‘uncultured’, kailangang sanayin upang maging  isang tao.  Kung aking unawain si Charles Darwin, sa kanyang sinabi na, Survival of the fittest and the elimination of the unfit”, ito ang katagang maglalagum sa nangyayari sa ating lipunan.  Hindi lang ngayon kundi noon pang unang panahon.

Ito ang gustong tugunan ni Apostol Pablo sa ating teksto ngayong umaga.  Kung ang mga Judio ay may tuwirang ugnayan sa Diyos (direct access to God), ang mga Gentil ay mayroon din.  Maliwanag na ang relihiyon at kultura ay nagsisilbing malaking balakid sa magandang ugnayan ng mga tao.  Ngunit ang katotohanan, ang relihiyon ay hindi problema kundi ang tao ang laging problema ng relihiyon dahil sa ito’y ginagamit ito para wasaking ang likas at makabuluhang ugnayan.

Sa ating kapanahonan, marapat lamang na ating tasahin ang misyon ng Iglesia kung tunay ngang ito’y nagpapasulong ng adhikain ng Diyos sa sangsinukob.  Aking iminumungkahi ang mga ilang punto at paninindigan:

 Una, ang Diyos na si Yahweh ay Diyos ng Sangsinukob.  Sa kanya lahat ang mga nilalang, lahat ng uri ng tao, maliit, malaki, itim, puti, amarillo at iba pa.  Sa kanya hindi mahalaga ang kulay, salita, o kaya tinitirhan.  Kung sila’y tatawag sa Kanya, lahat ay kanyang pinakikinggan.  Sa lumang tipan, may mga panahon na nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng mga propeta na nagsasabing hindi na niya bayan ang Israel dahil sa katigasan ng kanilang ulo.  Ngunit ni kailan ma’y hindi puedeng sabihin ng Israel na siya lamang ang bayan ng Diyos.

Peru, alam natin dahil sa pagkalinga ng Diyos sa kanila sila ay lumago bilang isang bansa at nakilala sa buong sandaigdigan ay saka namang kumited ang kanilang pag-iisip.  Kanilang pinangangatuwiran na sila lang ang anak ng Diyos.  Ito ang binasag ng pagdating ni Jesu-Kristo.  Sa Diyos hindi lamang mga Hudio ang kinikilala niya kundi pati ang mga Gentil, dahil sila din ay kanyang nilalang at may karaparatan na makiugnay sa kanya.

Pangalawa, ang Diyos ay ekumenikal.  Ating tunghayan ang ibig sabihin ng ‘ecumenism’.

  1. Practical Ecumenism.  The arrangement of two different Churches to resolve conflicts such as sheep stealing, a division of mission areas, economic discord and competition mutually benefiting their denominational interests.
2.  Symbolic Ecumenism.  Various denominations come together symbolically once in a while to celebrate their unity amidst diversity out of the genuine recognition that all of them believe in the one Christ, Churches talk about issues affecting them all and respond as a single ecumenical entity.  Denominational interests become secondary.
3.  Grassroots Ecumenism.  It is solidarity with the poor.  The Churches as a conglomerate whole reach out to the poor.  Social issues are discussed and acted upon.  Partnership and linkages are strengthened to chart appropriate programs on relief and rehabilitation, social concerns, evangelism, and mission.  etc.  It begins to have a life of its own and enjoys relative independence from member denominations.  Ecumenism becomes a day in and day out activity.
4.  Revolutionary Ecumenism.  It rests on the assumption that all of us are human.  Regardless of all biases, distinctions, and differences of religion, ideology, race, sex, and cultural practices, we must all unite to the betterment of humanity and creation.  The central question is how can we be better persons to improve our lot to create a peaceful, harmonious and just environment.

(From the Dialektika 1992 published by Clergy-Laity Formation Program, Northern Luzon)

Ibig sabihin iisa ang Dios na sinasampalatayanan ng bawat isa ngunit may iba’t-ibang pagkaunawa at pagtingin.

Sa level na narating ng ating Iglesia ngayon ay nasa pangatlo pa lamang at hindi masyadong binibigyan ng pansin dahil sa pagkakanyakanya.  Kailangang makarating tayo sa pang-apat na ‘level’ dahil sa tingin ko ito ang original na hangarin ng Diyos sa bawat nilikha.  Ang magkasundo lahat at hindi dapat maglagay ng padir na maghihiwalay sa bawat isa.

Mabuti’y kalimutan natin na may protestante, may Roman Catholic, may Muslim at iba pang mga relihiyon at kilalanin ang iisang Diyos na lumikha sa bawat isa sa atin.  At sa gayon magkakaroon ng puwang na magtulungan sa ika-uunlad ng bawat lipunan.

Kung ating balikan ang Torre ng Babel sa Lumang Tipan, pinaghiwahiwalay ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng iba’t-ibang salita upang sila’y hindi magkaintindihan.  Ngunit ito’y dahil sa masamang balak ng tao, ipinakita ng Diyos na walang may kaya na pantayan ang kanyang kapangyarihan lalo na kung sa ikasisira ng pakiki-ugnay at pananalig ng tao sa Kanya.  Walang hangarin ang Diyos na maglagay ng padir na sisira sa samahan at ugnayan kundi lalo pa niya itong inaayos upang maging kapakipakinabang at makabuluhan.