Ang Gabing yon ay Tahimik

Ang gabing yon ay tahimik
at simoy ay malamig

Tala’y biglang gumuhit sa langit
marikit na awit ay narinig
Sanggol ay nai-idlip,
sanggol ay nai-idlip.

Mapayapa’t maliwanag,
ang dilim ay tumakas

Mga pastol sa anghel nagulat,
nang awit ay marinig na kagyat
Si Cristo’y iniyanak,
si Cristo’y iniyanak.

Maliwang at maningning,
ang langit sa pagdating

Ni Jesus, na manunubos natin,
sa kanyang mukha’y nabadyang tambing.
Ang pag-ibig sa atin,
ang pag-ibig sa atin.

Mapayapa at maningning,
o tala ‘yong akayin

Makisama sa awit ng anghel,
aleluya ay aming awitin
Cristo’y nilang sa atin,
Cristo’y nilang sa atin.