Ang Kapangyarihan at Kaligtasan ay Hindi sa Tabak

Hindi sa tabak ang Kpangyarihan at Kaligtasan
1Sammuel 17:32-49

Noong linggo, napag-usapan ang “Ama sa lipunang nawawalan ng Ama”, at ang aking naintindihan sa usapin ay ang patuloy na paglaho ng kapangyarihan ng dapat may kapangyarihan.  Lalong-lalo na sa loob ng tahanan, sa loob ng Iglesia, at sa loob ng lipunan.  Ang Diyos ay may kapangyarihan bilang Ama ng sansinukob at ang kanyang kabutihan ay dapat siyang masunod.  Lahat ng mga taong hindi sumusunod sa kanyang kapangyarihan sa mabuti ay masasadlak sa kapahamakan.  Bilang Ama, siya rin ang masugid na nagmamahal sa lahat.  Siya ang nagkakaloob ng pagpapala sa kanyang buong bayan.

Ngunit sa ating lipunan ngayon, sadyang nawawalan ng pagbibigay-galang sa kapangyarihang ito.  Ang mga ama ng tahanan na dapat maglarawan sa isang Diyos na may kapangyarihang manguna sa kabutihan ay sila ang nangawawala sa Iglesia, sila ang tinuturuan sa loob ng tahanan tungkol sa pagsasabuhay ng Espiritualidad.  Mas madalas makita sa loob ng inuman.

Sa loob ng sabungan o kaya sa sugalan na parehong sadyang masayang nag-uubos ng pera at panahon na dapat i-ukol sa pamilya.  Iba nama’y mistulang “business managers” na ayaw humintong mag-isip at kumilos para sa kanyang negosyo at baka malugi o sadya ngang doon ang kanyang kaligayahan.

Ang “authority” o kapangyarihan ay nabaling sa mga bagay na lalong maglalayo sa isang larawan na dapat nilang taglayin bilang larawan ng isang Diyos na nagturo at nagpakita kung paano gamitin ang kapangyarihan.

Kung mapapansin ninyo, ang diin ng mga babasahin sa Banal na Kasulatan ngayong “season” ay nagsasabi tungkol sa kapangyarihan ng Diyos na kanyang ipinamalas sa tao noong unang panahon.  Sa ating teksto ngayon, ay tutunghayan natin ang ibang larawan sa paggamit o pagbibigay-halaga sa isang kapangyarihan.  Kaya’t ang ating tema ngayon ay “Ang Kapangyarihan at Kaligtasan ay Hindi sa Tabak”.  Kung hindi sa tabak, anong uri ang kapangyarihang ito na makapagliligtas at nagdudulot ng tunay na tagumpay sa labanan.

 

I.  Kapangyarihan at Kaligtasan

Ang kapangyarihan ay seguridad “security”, sa ibang salita ay katiwasayan.  Pag meron ito ng lipunan ay matitiyak na magtatagumpay sa kaaway.  Ito ang hinahangad ng bawat lahi, isang kultura, o pamayanan na makamit dahil sa patuloy na kaguluhan na sumisira ng katahimikan at kapayapaan sa mga mamamayan.  Ang kapangyarihan ay kaligtasan.  Pag-ika’y makapangyarihan ligtas ka sa bingit ng anumang mapanirang puwersa.  Likas na sa tao’y naghahanap ng kaligtasan sa lahat ng panahon.  Ngunit hindi ito laganap para sa lahat ng tao kundi para lang sa malalakas at makangyarihan.

Ngunit ano ba ang kapangyarihan gusto nating tumbukin sa umagang ito?  Tama ba ang pagtingin natin sa isang kapangyarihan na umiiral sa ating lipunan?  Ang kapangyarihan ba at kaligtasan ay nababase sa ganda ng bahay?  Ang kapangyarihan ba at kaligtasan ay nababase sa yaman ng isang indibidwal o grupo na kayang magbayad para sa kanilang proteksiyon?  O, ang kapangyarihan ba at kaligtasan ay nababase sa lakas o epektibong gamit pandigma?

Sa ating teksto ngayon ay matatagpuan ang mga ganitong pang-unawa at pagtingin sa kapangyarihan.  Tunghayan natin ang bahagi ng kasaysayan ng Israel.

Ang mga Hebreo ay kasapi sa kahit anong grupo ng taong tumuntong sa Palestina na sila ang nagsasabing kalahi ng Abraham, Isaac at Jacob.  May kalkulasyon na sila’y nanirahan na doon bago pa ilikas ni Moises ang mga Israelita mula sa Egipto noong 1230 B.C.  Kung maalala ninyo, may panahon na tinalo ni Josue ang ibang lugar ng Palestina noong 1270 B.C.  at nanirahan ang mga ito sa mga kaburulan ng bansa dahil hindi nila nasakop ang buong Palestina.

Ang Israelita, ay isang kalipunan ng iba’t-ibang grupo ng Hebreo.  Noong 1125 B.C. tinalo ng Israelita ang Canaanites ngunit nahirapan sila pakikipaglaban sa mga Filisteo.  Ang mga Filisteo ay nagtagtag ng Independent State sa kanlurang Palestina at nasa kanilang kapangyarihan ang ilang mga bayan sa hilaga at silangan.  Sila ay malakas sa organisasyon at militar na gumagamit ng bakal na pandigma.  Dahil dito malubhang tinalo nila ang mga Israelita noong 1050 B.C.  Magkagayon napilitang magtatag ang mga Israelita ng isang gobyernong tinatawag na monarkiya.

Sino ba itong mga Filisteo?  Sila ay kasapi sa mga taong galing karagatan ng Anatolia o sa Creta na tumira at nanaig sa SW Palestina noong 1200-604 B.C.  Sila ay mas abante sa mga Israelita sa sibilisasyon.

Ang Filisteo ay may limang probinsya na namamayani sa limang siudad ng Gaza, Ashdod, Askelon, Gath at Ekron.  Napatunayan nila na sila’y malakas na kaaway ng Israelita.  Ito ay sa pagtatagumpay nila sa kapanahunan ni Samson at Haring Saul.

David, Israel’s great king, finally defeated the Philistines shortly after 1000 bc, and they eventually assimilated with the Canaanites.

 

THE SUPERPOWER

We hear this word very often to apply it to any nation with significant interests and influence outside its own region. In the contemporary times, the United States of America (USA) is seen to have this label in terms of its war armaments in the age of technology.

But this superpower still cannot shun away with the malady or the threat of the so-called “terrorism” just as what had happened with the twin towers in the past.  However, the United States of America lacks the moral restraints in the name of terrorism and wants to expand its war policy by influencing other nations suspected as the haven of terrorist if not the terrorist itself to join its advocacy against.  Terrorism is considered the enemy that demeans or destroys life, therefore, it must be conquered.

Nevertheless, the means to combat the enemy is violence. It is an unjust or unwarranted exertion of force or power.  Guns, grenades, and bombs are employed killing innocent individuals more than the terrorists who are yet to be identified. In this world of technology, anyone could be a victim, any nation could be aggressed upon, and the entire universe could be a holocaust of demolition.

The purpose of saving people and the planet and defeating the enemy is grossly abused overridden by wrong praxis in a given time.

Ang Kapangyarihan at Kaligtasan ay Hindi sa Tabak-sword