Ang Mabuting Pastol at Ang Magnanakaw

Teksto:

Genesis 4:11-12
Ezekiel 18:21-32
John 10:7-11

Magandang umaga sa mga tupa ng Kataas-taasang Pastol.

Ngayong umaga aking iniimbitahan ang bawat isa na damhin ang buhay ng isang agriculturist particular sa pagiging isang farmer na nasa mataas na bahagi ng kalupaan.  Karamihan sila ang nagaalaga ng mga hayop na kasama din nila sa pagtatrabaho gaya ng baka, kalabaw, kabayo.  Sa ibang bansa mga hayop na nagbibigay ng kanilang pangangailangan gaya ng gatas.  Ito ay puedeng magmumula sa kambing, tupa, baka at kalabaw.

Noong bata ako ay naranasan ko rin na mag-alaga ng baka at kalabaw.  May panahon na ang mga ito ay dinadala sa pastulan.  Pinapakawalan ng ilang araw, linggo o buwan, o kaya ipinapastol na may tali.  Sa panahon na mainit ang kalabaw  ay dinadala sa tubig upang ito ay painumin.  Sa tuwing tag-ulan ang baka naman ay dinadala sa silong upang hindi magkasakit dahil sa lamig.

Kung ang mga hayop ay malaya sa pastulan kinakailangan ang regular na pagbisita o pagmonitor sa kanila sa gayon malalaman mo kung may nagkakaproblema sa kalusugan. 

May pagkakataon na aking nasaksihan  na  nangangawala ang hayop mula sa grupo.  Dahil nawala ay hahanapin mo hanggang sa matagpuan ito. At karamihan naman ay natatagpuan at naibabalik sa kulungan.  Ang iba naman ay napapunta sa masamang kalagayan dahil sa paghahanap at pagabot ng damo ay nahulog sa bangin.  Ngunit wala sa karanasan namin na isa ay tinangay ng magnanakaw.

Sa ngayon umaga sa ating pagsasamasama bilang mga farmers ay may dalawang larawan ang ating bibigyan ng pansin, ang Mabuting Pastol at Magnanakaw.

 

I.  Ang Mabuting Pastol

Malaki ang pakinabang sa mga draft animals gaya ng kalabaw.  Hindi lamang katulong ito para ihanda ang bukirin kundi malakas din katulong sa pagbubuhat ng mga gamit at pagkain.  Kung hindi magbubuhat ay hihila.  Sa amin ang tawag sa nilalagyan ng iba’t-ibang produkto ay “patuki”.  Iyon ay puedeng lagyan ng isang libo hanggang isang libo at dalawang daan piraso ng saging.  Minsan pinuno ko ang patuki ng saging ay napakalalim ang putik sa daan dahil sa tag-ulan.  Hindi lamang iyon mahirap ang daan dahil paakyat.  Dahil mabigat ang saging at mahirap ang daan ay halos di kaya ng kalabaw na hilain ang patuki.  Ang paraan lamang ay hagupitin mo ang kalabaw para ilabas niya ang huli niyang lakas.  At iyon ang ginawa ko peru nakita ko na hirap na hirap talaga siya.  Naawa ako at  naramdaman ko ang kanyang hirap. Naiahon naman niya ang karga gayon pa man nasabi ko sa sarili ko diko na uulitin ang ganito.

Di ko maisip kung bakit may mga tao na walang awa sa mga hayop at minamaltrato sila na parang walang pakiramdam at hindi marunong masaktan.  Totoo nga na ang mga hayop ay hindi lamang katulong kundi ginagawa pa nating pagkain.  Ngunit sa panahon na ginagawa nila ang kanilang kayang maitulong sa tao ay nakakaawa na sila’y hagupitin, pilitin hanggang sa sila ay mukhang magmakaawa sa atin.

Maalala ko ang isang kuwento na narinig ko noong ako’y High School pa. Isang farmer ang naghahanda sa kanyang bukid para tamnan ng mais.  Marahil may kalawakan ang kanyang kaingin at magtatanghali na ay ayaw pang tumigil.  Gusto siguro niya na makatapos sa trabaho kaya  lang hindi niya naisip ang kanyang kasama kundi sarili lamang niya.  Kung baga ay naging makasarili sa pagkakataon na iyon.  Mainit na at alam natin na pag mainit ang tanghali, ang kalabaw ay mahina.  Buti sana kung baka may laban sa katanghalian.  Karamihan,  pag alas diyes na ay  inaalsa na ang kalabaw.  Ngunit hindi ganun ang nangyari kundi pinagtrabaho pa ng pinagtrabaho hanggang sa umaayaw na ang kalabaw.  Patuloy na hinahampas ng farmer ang kanyang kalabaw ngunit sa halip na hilain ang araro ito’y lumuhod at sinabi, “tagtuyot ngayon panahon”.  Ibig sabihin hindi uulan at hindi matatamnan ang kaingin.

Ang Pastol at ang hayop ay kailangan ang isang ugnayan na nagmamalasakit.  Kasama, katapat, at kapatid ang turing sa isa’t-isa dahil pareho silang may buhay, may pakiramdam at may pangangailangan sa isa’t-isa.  Sa nangyayari sa ating mundo ngayon ay naglalarawan ng isang maling pagkaintindi ng tao sa kanyang sarili na nauugnay sa mga hayop.  Ang tingin ng tao sa kanyang superiority sa hayop ay brutality.  Siguro sa kakayanan na gumawa ng mga bagaybagay nakalalamang ang tao, ngunit sa pangangailangan na maibibigay ng hayop hindi kaya ng tao.  Kaya ba ng tao na i-suppress ang kanyang greed sa karne ng hayop?  Sa totoo lang ang buhay ng hayop ay karugtong ng buhay ng tao.  Bawat hayop na namamatay ay marami namang tao ang nabubuhay.  Puede kaya na isipin ng tao na ang hayop ay pagkain at kaibigan at huwag pagmalupitan sila?  Tama na yong sa panahon na sila ay kakatayin ang una at huli nilang struggle sa buhay.  Masaklap na isipin na bago mo sila kainin ay matagal mo silang pinahirapan.

Bilang tao, ano ka sa iyong mga alagang hayop?  Ikaw ba ay kaibigan o kaaway?  Ikaw ba ay panginoon o kapantay?  Ang Panginoong JesuKristo hindi lamang ginamit ang larawan ng Pastol at tupa na paglalaruan ng isipan ng tao kundi nagsasabi siya ng totoo, tunay na kaganapan sa ugnayan ng tao at hayop.  Ang Pastol sa tunay na buhay ay pinakakain at pinaiinum ang kanyang mga hayop.  Sinisigurado na hindi nagkakasakit.  Kung pinagtatrabaho ay pinagpapahinga.  Kung nasusuong sa panganib ay itinataya ang buhay para sagipin ang kanyang alaga.  Tanging kagalakan niya ang katiwasayan ng lahat tuwing gabi at araw.


II.  Ang Magnanakaw.

Datapuwa’t ito’y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya’y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay. Mat 24:43 

Unang larawan na ating makikita tungkol sa magnanakaw ay maninibag ng bahay.  Ibig sabihin mapilit, puersahan ang ginagawa. Hindi nakokontento sa nakabukas na pintuan.  Sisirain ang padlock at tarangkahan ng pintuan at mga bintana.

Pangalawang larawan ay palihim ang pagkilos.  Tantantiyahin niya ang pagkilos at iniisip ng kapwa tao.  Puedeng kasama ang pagmamatyag sa lugar na kanyang pagnanakawan.  Sisiguraduhin niya ang kanyang tagumpay sa pagbibilang ng kanyang maging kaaway at kung sa tingin niya ay kaya niyang tapatan ang nasa loob ng bahay o establisimento ay kanyang lulusubin.  Kaya niyang pumatay dahil hindi nagpapahalaga ng buhay.  Ang buhay lang na alam niya ay ang kanyang sariling buhay.

Sa ating panahon kahit anon a ay nanakawin.  Mula sa mga kasuutan, gadgets, hanggang sa poultry at sa baboy, kalabaw at baka.  Recently, mga school na ang ninanakawan ng pera.  Dalawa na ang aking naalaman na ninakawan ng around .4 million pesos, sa LSPU at iba pang institution.

Pangatlo, ang magnanakaw ay pabaya at walang malasakit.

Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at pinababayaan ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat.  Siya’y tumatakas sapagka’t siya’y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa. Joh 10:12-13 

Noon pa man systematized ang paraan ng pagnanakaw. Ito ay naranasan natin sa mga insurances, mga bangko at iba pa sa pamamagitan ng pagsasara o pagbebenta at pagpapalit ng pangalan at management systems.

May narinig ba kayong nahuling nagsara ng bangko at insurances na tumangay ng milyonmilyong pera ng mga naglagak sa kanila?   Wala!

 

III.  Ang gobyerno ng Pilipinas, siya ba ay pastol o magnanakaw?

Sa isyu ng extra judicial killings, sa proseso ng peace process, at sa usapin ng Laguna Lake, ano sa palagay ninyo kung saan side ang ating gobyerno?  Siya ba ay bilang pastol o bilang magnanakaw?

Ang extra judicial killing kung minsan ay puedeng tawagin na extralegal killings o salvaging.  Liban sa extrajudicial killings, death squads at desaparecidos ay karaniwan sa South at Central America noong panahon ng cold war.  Gayon din sa Middle East.

Extrajudicial killings and forced disappearances in the Philippines are illegal liquidations, unlawful or felonious killings and forced disappearances in the Philippines.[1]These are forms of extrajudicial punishment, and include extrajudicial executions, summary executionsarbitrary arrest and detentions, and failed prosecutions due to political activities of leading political, trade union members, dissident and/or social figures, left-wing political parties, non-governmental organizations, political journalists, outspoken clergy, anti-mining activists, agricultural reform activists, members of organizations that are allied or legal fronts of the communist movement like “Bayan group” or suspected supporters of the NPA and its political wing, the Communist Party of the Philippines (CPP).Wikipedia

Libo-libo na ang nangamatay at nangawala sa ating mga kababayan ngunit karamihan sa mga kaso nito ay nanatiling tahimik na at naibaon sa limot.  Ang mga perpetrators ay nananatiling mapayapa at ligtas.  Kung may naparusahan na gumawa ay doon lamang sa mga lantad at kitangkita lamang.  Ngunit sa mga mahirap trabahuin ang imbestigasyon at nasilayan na ang na sa kapangyarihan ang gumawa ay tuluyang naitiklop ang mga pahina ng kasaysayan.

Peace process.   Maganda ang layunin ngunit ang pamamaraan ay nakakaudlot sa anumang simulain.   Hindi matanggaltanggal ng magkabilang panig ang karahasan at ang karamihan sa mga biktima ay mga sibilyan.  Hindi man sila diretshan na tamaan ng bala naiisturbo naman sila sa kanilang paghahanap buhay.  Nakakaiwan ng traumatic effect ang mga karanasan sa mga bata at kabataan.  Ang militarisasyon sa mga lugar ay hindi nakakatulong sa buhay ng mga mamamayan lalo na at hindi maganda ang karanasan sa mga presensya ng mga military. 

Sa karanasan ko noong ako’y bata pa ay kaya kong lakbayin ang ilang kilometro sa gitna ng kagubatan kasama na ang pagtuklas nito.  At may kasamang pagkawili dahil wala kang kinatatakutan liban sa mga mababangis na hayop kung meron man.  Ngayon, hindi na magawa ninoman ang ganun.  Sinuman na gusting magtuklas sa kagubatan at matagpuan ng may mga sandata ay kanilang kakastiguhin.  Pinaghihinalaan kung siya ay NPA o military.  Sadyang tayo ang naglagay ng hadlang sa ating Malaya at mapayapang ugnayan sa kapwa tao at ibang nilikha.  Naging marahas na ang bawat panig at di natin alam kung kanino tayo papanig, kanino natin isasalig ang ating buhay.  Hindi na maramdaman ang pagmamalasakit ng at pagkalinga ng isang pastol sa kanyang mga tupa.

123 billion Laguna Lake lakeshore expressway dike.  Ito sana ay pupunduhan ng mga sumusunod:

  • Trident Infrastructure and Development Corporation, or “Team Trident,” composed of Ayala Land, Incorporated; Megaworld Corporation; Aboitiz Equity Ventures,Incorporated; and SM Prime Holdings, Incorporated;
  • San Miguel Holdings Corporation; and
  • Alloy Pavi Hanshin LLEDP Consortium, composed of Malaysia’s Alloy MTD Capital BHD; Prime Asset Ventures, Incorporated; and South Korea’s Hanshin Engineering Construction Company Limited.

Ano ba pakinabang sa proyektong ito?

In its notice, the DPWH cited the following benefits of building an expressway and a dike:

  • Reduce travel time from Bicutan to Los Baños from 90 to 35 minutes.
  • Create 700 hectares of land asset.
  • P8.1-billion ($174.64-million) average annual flood damage will be avoided.
  • An average of 800,000 people will no longer be affected by flooding.
  • Flood-prone structures will be protected.
  • Travel speed will increase from 30-45 kilometers per hour (kph) to 80 kph.

Sa palagay ninyo kaya ito ay para sa kapakanan at kapakinabangan ng mga mamamayan ito man ay sa Manila o dito sa Laguna?  Sa tingin ko hindi.  Kung ang problema ay flood bakit sila gagawa ng dike.  Lalo silang naglalagay ng hadlang sa daluyan ng tubig.  Ang reclaimation na may lawak na 700 hectares ay maglalagay ng karagdagang problema dahil tataasan nila ang ilang bahagi ng lawa.  Imbes na may pupuntahan ng tubig ay lalong nahadlaangan.

Ang mga proyekto karamihan ay hindi kapakipakinabang sa lahat kundi kapakinabangan lang ng mga nag-isip nito dahil sap era na kanilang makukuha.  Pagkatapos ng maitayo ang proyekto, gumastos ang gobyerno sa pamamagitan ng ating mga buis, ang nakinabang at yumaman ay ang mga nag-isip at nagpatupad ngunit ang mga mamamayan ay siyang biktima ng kanyang sariling pera.

Hindi pagmamalasakit ito kundi pananamantala at paglabag sa karapatang pantao.

 

IV.  Pangwakas

Bakit gumamit si Jesus ng ganitong larawan ng pastol at magnanakaw sa kanyang panahon?  Upang ilantad ang katotohanan na nagyayari sa panahong iyon. 

Dalawa ang kanyang pinatatamaan tungkol sa kanyang paglalarawan.

Una, ang mga bulaang mga propeta na nagkakalat ng mga hindi totoong batayan ng pananampalataya sa Dios.  Pangalawa, ito ay pagtuligsa sa existing Roman governance at pangmalawakang pamamahala.  Sila ang mga magnanakaw.  Pangatlo, ang kanyang sarili bilang huwaran ng pamamahala sa ng kapwa tao at iba pang nilalang.  Ang pastol na may pagmamalasakit, pagpapahalaga at pagpapaunlad sa anumang ipinagkatiwala.

Sa katunayan, ang Diyos ang ating idol.  Siya ang may pinakamaayos na pamahalaan.  Sa tuwituwing panahon ay nagpapaalala siya sa maling nakakagwian ng tao.  Sa panahong ang tao ay sinisira na ng kanyang  pansariling interes ay may lumilitaw na magtutuwid sa kanya.

Ang tanging paraan para masundan natin ang hakbang ng Diyos ay kailangan may ugnayan tayo sa pinakadakilang pastol.  Siya ang sinugo ng Diyos upang Makita natin ang hindi natin nakikita sa ating sarili.

Walang bansang mapapahamak sa tunay na pagsuko, pakikipagkasundo, pakikipagpartner sa Diyos na may akda ng kaayusan dito sa mundo.  Ang lahat ng hindi nagsasalig ng buhay sa kanya ay malalayo sa tunay na adhikain, layunin at maayos na pagkilos gaya ng Diyos.  Hindi tayo magtataka kung hindi natin maramdaman ang pagkalinga sa isang gobyerno kung ito ay nagugumon sa kanyang pansariling kapakanan at adhikain.  Natural hindi mo aasahan ang pagiging pastol niya sa kanyang mamamayan, sa halip siya ang magnanakaw at sisira sa buhay.

Walang matuwid kundi ang Diyos, kung tayo ay nasa Diyos magsisikap tayo na maging matuwid at kamtin ang makabuluhang buhay dito sa mundo.