Ang Paglalakbay sa Pananampalataya at Buhay ng Iglesia

Ang isang daan at tatlong taon (103) ay napakahabang panahon. Kung ito’y panahon ng paghihintay ay naigugol mo ang 8,064 oras sa isang taon at sa loob ng 103 na taon ay may naigugol ka na 830,592 oras.  Sigurado sa tagal nito ay marami na ang nainip sa daan at iniwan na ang hinihintay na hindi nakarating.  Kung ito’y panahon na ginamit sa paglalakad sadyang napakalayo ang iyong narating.  Sa kalkulasyon na 5km/hour ay makararating ang isang tao sa layo na 40,320 kilometro sa isang taon  at sa loob ng 103 taon ay 4,152,960 km.  Kung doblehin mo ang bilis sa 10/hour ay makararating ka sa isang taon ng 80,640 kilometro. At sa loob ng 103 taon nakalayo ka na ng 8,305,920 km.

Ano kaya ang panukat sa paglalakbay sa pananampalataya at buhay?  Puede kaya sa speedometer(car), anemometer(wind), thermometer(temperature), electric meter (electricity), light meter(light), barometer(atmospheric pressure), o sphygmomanometer (blood pressure).  Alam ninyo sa totoo lang mahirap sukatin ang pananampalataya, dahil ito personal na kaganapan sa buhay ng tao.  Sa Bibliya, ang pananampalataya ay masusukat sa kababawan at kalaliman nito.  Ngunit ang kalaliman at kababawan ay mahirap ding sukatin, kung gayon, paano natin masukat ang ang pananampalataya ng isang tao?

 

Sa ating pagdiriwang ngayong umaga., ay may tatlong punto na ating mahahalaw mula sa ating mga teksto
I.  Sa paglalakbay kailangang lumingon sa pinanggalingan.  Sino ba ako? Saan ba ako nanggaling? Ang kasabihan na “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan” ay may katotohanan.  Ito ay puede sa buhay indibiduwal at buhay samahan.

Ating minsan pang pakinggan ang mga salita at deklarasyon ng ating mga ninuno:  Deu 26:7  At kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian; Deu 26:8  At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan: Deu 26:9  At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

Dito sa Deuteronomy, sinariwa na ang isang dakilang bansa ay nag-umpisa sa isang mailiit na angkan. Itong angkan ay dumaan sa maraming hamon sa buhay economically, socially, politically and spiritually.  Sa pagiging alipin ay tiniis nila ng halos apat na raang (400) taon.  Sa loob ng 400 na taon ay dumami sila at nabuo nila ang sapat na bilang at kalakasan upang magsarili.  Magkaroon ng sariling pamamalakad at pamumuno, magkaroon ng sariling pagpapatakbo ng ekonomiya, magkaroon ng sariling kultura at pananampalataya.

Ang nagbuklod sa kanila ay ang paniniwala na sila ay inalagaan, kinalinga, at iniligtas ng Diyos sa kanilang kalagayang aba.

Siguradong may pagkakataon na naisip ninyo kung paano mabubuo ang isang kongregasyon.  At marahil inumpisahan ninyo sa pamamagitan ng pagtatagpu ng mga magkakamag-anak.  Marahil noong una ay nagtatanong kayo, paano kaya natin pangangasiwaan ang ating grupo.  Paano tayo makapaglagak ng halaga upang may pangsuporta sa gawain at mga mangangasiwa?

Ang pagbubuo ay hindi madaling gawin maliban kung ang bawat isa ay binibigkis ng isang damdamin.  Sa mga Israelita ang kanilang pagbabalik tanaw ay natuon sa kanilang kahinaan bilang isang bayan at sa kapangyarihan ng isang Diyos na humango sa kanila mula abang-kalagayan.  Gusto kong bigyang diin na kung hindi dahil sa pagkilala ng inyong mga ninuno, kung hindi dahil sa inyong pagkilala sa iisang Diyos na tumipon sa inyo dito sa Luisiana, hindi ninyo nabuo ang isang kongregasyon na tinatawag na Luisiana Evangelical Church na hanggang ngayon ay patuloy na nabubuhay at kumikilos.

Kung bakit kayo nandito ay dahil kasama kayo sa paglalakbay sa buhay at pananampalataya.  You did not come here just to exist but you have come to live and that is because you believe in One God who continues to journey and give you the reason to live as a community.

Turning back the pages of history is not just to look at one’s self but to consider all the environs that contributed to the development of a communal life. A fulfilled life is found in a community, not in an individualistic, divided spirit.  I believe strong individuals are the ones who assert their identity but temporarily loose it in order to create and project a greater identity, this identity is the community.

Ang pagbabalik tanaw ng Luisiana Evangelical Church ay pag-usisa sa sarili ng bawat isa.  Na may mga nilalang na nagtipanan hindi para sa sarili kundi para sa isang mas malaking katawan na tinatawag na lipunan.  Sa lipunang ito ay pansamantalang kinalimutan ng bawat isa ang kanyakanyang buhay upang buuin ang buhay  ang maramihan. Kahit marami ngunit kumikilos bilang iisang katawan sa pangunguna na ng iisang Diyos na kanilang kinilala.  Kung hindi ganito marahil hindi ngayon lumago ang Luisiana Evangelical Church.  Ang Diyos na si Yahweh ay patuloy na nagtatatag ng pamayanan, at ang sinumang sisira nito ay dapat mag-isip-isip.  Ang mga taong sumira sa samahan ng mga naniniwala sa Diyos at pumutol sa banal na ugnayan ay mananagot ng buo niyang konsiyensya at kaluluwa.  We are united and uniting church, a church with different heritages but can come together for a common good for the people of God.

 

II.  Sa paglalakbay kailangang taglay ang adhikain sa isip at sa puso.  Saan ba ako patutungo?  Bakit ako tutungo?  Para kanino?  Sa Lukas 4:18-19—“Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka’t ako’y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.”

Ang manlalakbay na walang adhikain ay madaling mainip, madaling mapagod at mawala sa direksyon dahil anuman ang puedeng umakit sa kanya sa daan ay puede niyang paunlakan.  Ngunit ang may adhikain ay mananatili sa kanyang patutunguhan.  Kung ang paglalakbay niya ay magtatagal dahil sa mga hamon ay magwawagi pa rin.

Ang misyon ng Ama, ay misyon ng Anak, at ang misyon ng Anak ay misyon ng Iglesia.  Ang deklarasyon ni Jesus ay nagpapaalala sa atin na siya ay isang sinugo para sa isang gawain.  At ang gawaing iyon ay hindi niya sarili kundi gawain ng nagsugo sa kanya.  Samakatuwid siya ay tagatupad.  Kung siya ay tagatupad kailangan niya ang katapatan sa adhikain na kanyang tinanggap para din sa ikatatagumpay nito.

Ganito natin tinitingnan ang trabaho ng Iglesia.  Siya ay tagapagpatupad ng adhikain ng nagsugo sa kanya sa sanlibutan.  Ang katapatan ng Iglesia bilang tagapagpatupad ay magbibigay ng katiyakan ng tagumpay.

Ang Luisiana Evangelical Church ay kailangang manatili sa ganitong hangarin sa paglalakbay.  Kung ang hangarin ng bawat isa ang papalit sa hangarin at adhikain ng Dios na tumawag sa kanya ay lulubog ito.  Ang kanyang pagkilala sa Diyos puedeng mamumutawi lamang sa labi ngunit ito ay naglaho sa puso at sa isip.

Mula noong dekada 80, ang UCCP ay tinaguriang maka-kaliwa dahil sa kanyang di matinag na pagsaalangalang sa katotohanan at hustisya.  Hanggang ngayon binabantayan pa rin, sa katunayan bilang na ang ating mga manggagawa at mga kaanib na nagbuwis ng buhay dahil sa pagpapatupad natin sa misyon ng ating Panginoon. Minsan pa nating balikan ang mga salita ni Jesus: “Sapagka’t ako’y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.”

Masama bang sabihin ang katotohanan?  Masama bang mangatuwiran para sa mga mahihina?  Masama bang mangarap para sa kapayapaan? Masama bang magpalaya ng hindi totoong nagkasala?  Kung sila ay may malinis na budhi bakit nangangatog sa pagkalantad ng katotohanan?  Bakit ang tumutulong na maging maayos ang lipunan ang nasasadlak sa kamatayan? Ngunit walang makapipigil sa layuning matuwid dahil ang mga naliliwanagan ang kaisipan ay hindi magpapatali sa isang baluktot na adhikain.

Ang mahalaga alam natin ang ating tunguhin, alam natin ang ating pinaniniwalaan.  Kung ito’y galing sa Diyos kailan ma’y hindi ipagpapalit sa alin mang prinsipyo ng buhay. Ang sinugo at pinahiran ng Diyos para dalhin ang kanyang Magandang Balita ay nangakikilala sa Diyos at nangasusunod sa kanya.

Kung tayo’y lumingon at nakilala ang ating sarili sa harapan ng Diyos.  Naniwala tayo na tayo ang kanyang bayan, ang kanyang bayan na pinahiran upang ipagpatuloy ang iniwan ng ating Panginoong Jesus.  Taglayin natin ang adhikain ng Diyos na buhay, dahil Siya’y buhay mananatiling buhay ang kanyang bayan!

 

III. Sa paglalakbay ay paninindigan hanggang katapusan.  Hanggang kailan ako mangangatuwiran?  Hanggang saan ang hantungan?

Act 5:36  Sapagka’t bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya’y dakila; at sa kaniya’y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya’y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya’y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan. Act 5:37  Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya’y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya’y nagsisunod ay pawang nagsipangalat. Act 5:38  At ngayo’y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka’t kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak:

Marami ang lumitaw na religious groups.  Dumami sila at lumipas ang ilang panahon ay nagningas cogon.  Gusto kung linawin sa inyo na hindi “Fly-by-night” religion ang UCCP.  Ang uri ng pananampalataya na tinanggap natin at ipinagpapatuloy ay pananampalatayang subokna at pinatunayan ng maraming karanasan at hindi ito natinag.

I believe this is because of everyone’s spirit of being “Faith Apologists” or “Faith Defenders”.  You have stood your ground and that ground and foundation is Jesus Christ.  We are not perfect persons, we are sinners but because we are continually perfected in the teachings of the Lord, even though sometimes we stumble, we rise and continue the journey.  We see to it that when life ends, it ends well with Jesus Christ.

Patunayan ninyo sa inyong mga anak, mga apo, mga kamag-anak na tama ang inyong tinahak na daan at din a kailangang maghanap pa ng iba.  Sabi ni Gamaliel, Act 5:36  “Sapagka’t bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya’y dakila; at sa kaniya’y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya’y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya’y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan. Act 5:37  Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya’y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya’y nagsisunod ay pawang nagsipangalat. Act 5:38  At ngayo’y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka’t kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak“.

Sa loob ng 103 taon marami na ang yumaong kaanib, maging ang mga nangaunang nagsipagtatag ng Luisiana Evangelical Church.  Ngunit hanggang ngayon ay may naiiwan pa rin at nagpapatuloy.  A century is a yardstick indicative of a precious gem to be treasured.  Ang kakayanan, panahon at kaymanan na inilagak ng inyong mga magulang ay nagbabadya na ang pananampalataya ay isang di matatawarang kasama ng buhay.  Kung sa ating panahon ay magpabaya ang mga CWA, magpabaya ang mga UCM, magpabaya ang mga CYF, ang 103 taong na inalagaan ng mga nauna ay mawawalan ng saysay.

Sabi ni Jesus:  Luk 14:28  Sapagka’t alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos? Luk 14:29  Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya’y libakin, Luk 14:30  Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin. Luk 14:31  O aling hari, ang kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo? Luk 14:32  O kung hindi, samantalang malayo pa ang isa, ay magsusugo siya ng isang sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo.

Ang pananampalataya natin ay “certified”.  Ibig sabihin dumaan sa isang mausing pag-aaral na batay sa Banal na Kasulatan.  Kung gayon dapat ipagmalaki, dapat ipangalat, para mamunga at lalo pang mapahusay ang buhay at pagsaksi.

 

PANGWAKAS

Gusto kong maniwala na ang buhay at paglalakbay ng Iglesia sa pananampalataya ay isang paglingon sa nakaraan.  Siya ang kabahagi ng sambahayan ng Diyos na nakakilala sa kanyang taglay na mga kakulangan at kahinaan.  Ngunit sa kabila nakita niya ang isang malakas at makapangyarihang Diyos na siyang humango sa kanya, Siya ang nagtatag dito sa lugar na ito upang mamuhay na may buong pagtitiwala sa Kanya.

Gusto kong maniwala na ang buhay at paglalakbay ng Iglesia sa pananampalataya ay binibigkis ng isang adhikain na hango sa adhikain ng ating Panginoong Jesus.  Ni kailan may hindi puedeng isuko at ipalit sa alin mang katuruan at prinsipyo.

Gusto kong maniwala na ang buhay at paglalakbay ng Iglesia sa pananampalataya ay isang paninindigan hanggang katapusan.  Walang kaanib dito na mamayapang kaawaawa dahilan lamang sa siya ay tumiwalag sa pananampalataya.  Walang kaanib dito na yayaong hindi niya nakamtan ang kabuluhan ng buhay at nanatiling naging dayuhan sa sambayanan ng Diyos.  Lahat tayo ay may buhay na matatapos sa takdang panahon ngunit mangyari man ay naiiwan natin ang isang pamanang hindi lamang mananatili dito    kundi hanggang sa pangwalang wakes.

May isang kasabihan , “We are on a journey we are not in a race, enjoy it successfully till the finish line”.  This is the call of the Lord, and everyone is invited.  Everyone must join.  Amen.