Ang Sambahayang Nagsisilakad Kay Kristo

TEKSTO

Col 2:6  Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya:  Col 2:7  Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.  Col 2:8  Kayo’y magsipagingat, baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali’t saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo.  Col 2:9  Sapagka’t sa kaniya’y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman.  Col 2:10  At sa kaniya kayo’y napuspus na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan:  Col 2:11  Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo: Col 2:12  Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama’y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng  pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay. Col 2:13  At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan;  Col 2:14  Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito’y kaniyang inalis, na ipinako sa krus;  Col 2:15  Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila’y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito.

 

Topiko:           Ang Sambahayang Nagsisilakad kay Kristo

Body:
I.  Nanga-uugat at nangatatayo sa Kanya (v. 7)

Ang Sambahayang Nagsisilakad Kay Kristo-Nangauugat

Ang kahoy o anumang halaman na nanga-uugat sa lupa ay doon sumisipsip ng tubig at sustansya na nagbibigay ng lakas, at patuloy na paglaki.  Subukan mong i-angat ang halaman sa lupa ng ilang sandali lang ay magiging sanhi ng kanyang pagkalanta.  Sadyang isang kapahamakan ang pagkahiwalay sa lupa ng ilang sandali lang dahil puedeng ito’y magdudulot ng kamatayan.

May mga ilang halaman naman na hindi kailangang nakaugat sa lupa. Ang orchid ay hindi naman nakatuntong sa lupa ngunit nabubuhay.  Ito’y isang katotohanan ngunit hindi puedeng mabuhay na walang tinutuntungan.  Ang orchid ay gumagamit ng isang tuntungan upang makapag-ugat at makasipsip ng tubig at sustansya sa ibang halaman.

Si Jesus ang nagsabi, “Juan  15:5  Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga; Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. “  (I am the vine, ye are the branches: He that abideth in me, and I in him, the same beareth much fruit: for apart from me ye can do nothing. Joh 15:5 )

Parang isang kahoy, tayo’y nakaugat kay Kristo, sa Kanya nanggagaling ang ating buhay.  Hindi lamang buhay ang napapala ng kahoy at orchid sa kanilang tinutuntungan. 

Ang kahoy na nakaugat sa lupa ay may tibay na timindig sa panahon ng kalamidad.  Ang orchid na nakakapit sa kahoy ay may tibay na lumaban sa malakas na hangin upang hindi tangayin.  Ito’y nangangahulugan na si Kristo ay matibay na muog at kanlungan sa anumang uri ng kalagayan.

Nakakalungkot isipin sa ating kapanahunan na hindi sa Dios nanga-uugat at nangatatayo ang prinsipyo at paninindigan kundi sa sariling lakas at kakayanan. 

Ang kalagayan sa Basilan ay hindi puedeng dadaanin sa pamamagitan ng galit at kapangyarihan ng baril.  Kung ating balikan ang mga Faraon sa lumang tipan lalo na ang Faraon ng Egipto na labis nagpahirap sa mga Israelita ay mga taong makapangyarihan. 

May kapangyarihan sa politika at pina-iikut ang buhay ng ibang tao.  Ngunit hindi sila nakapagtagal sa pakikipagtagisan sa kapangyarihan ng isang Diyos na higit makapangyarihan sa kanila.  Dahil ang sinumang gustong tumindig sa sariling paa ay hindi magtatagumpay laban sa Diyos.

What do I want to say is that, when we, as an individuals or as a community asserts to live and move apart from the source and ground of our own being, we loose the ground of defense and security.   Sabi ni Apostol Pablo, “Sapagka’t sa kaniya tayo’y nangabubuhay, at nagsisikilos . . . ”,  Act 17:28

Kaya’t napakasarap isipin at damhin na ang bawat sambahayan sa panahon ng kanilang kagipitan sa buhay ay sa katuruan ng Panginoon nananahan at nanganganlong.  Mapayapa ang isipan ng mga mamamayan kung mayroon silang namumuno na ang kanyang paninindigan ay hindi sa kanyang talino at lakas kundi sa karunungan ng Diyos.

Kung magkaganun, hindi tayo makakaranas ng manakawan, hindi tayo makararanas ng mahold-up, hindi tayo makararanas ng mamatayan ng hindi itinadhana ng Diyos na nagmamay-ari ng buhay.  Hindi tayo makararanas ng paratangan ng hindi makatuwiran o hindi makatotohanan.

 

II.  Matibay ang pananampalataya

Ang Sambahayang Nagsisilakad Kay Kristo-Matibay na Bato

Pangalawa, kay Apostol Pablo, hindi lang nanga-uugat at ngangatatayo kay Kristo ang sambahayan, kailangang may matibay na pananampalataya. Sa ganang akin, may mga taong kumakanlung sa Diyos ngunit hindi naniniwala. 

Ang isang Systematic Theologian na nagngangalang Luis Berkhof, ay naghanay ng iba’t-ibang uri ng pananampalataya.  Sa kanya may historical faith, may temporal faith, may miraculous faith, at may saving faith

Ako’y sumasang-ayon sa kanya sa unang uri ng pananampalataya na ito yong historical.  Ang kanyang definition ditto ay ang pagtanggap ng katotohanan ng nasa banal na kasulatan ngunit ito’y sa isip lamang, walang moral o espirituwal na pagtugon.

Kahit ikaw ay nasa matibay na tuntungan kung wala kang matibay na paniniwala ay magbabago ang isip mo, at kung ganun ay maghahanap ka ng ibang kakanlungan. 

Dito nasisira ang ugnayan ng isang sambahayan kung magkakaiba ang kanilang pananampalataya sa iisang Panginoon.  Sa ayaw at sa gusto natin mayroon tayong minanang pananampalataya sa ating mga magulang at kung hindi tayo maglaan ng panahon, lakas, at halaga ay hindi magkakaroon ng malalim na ugnayan sa ating buhay. Hindi sapat ang padaluyin ang tradisyon mula sa bawat lahi na walang malalim na kahulugan sa ating buhay. 

Ang ibig kong sabihin, mula noong tayo’y nagising nagsisimba ang ating mga magulang kaya tayo ay magsisimba rin.  Nakita natin silang nananalangin kaya tayo’y nananalangin din, nagbibigay sila ng handog kaya tayo’y nagbibigay rin. 

Ngunit sa lahat ng ating ginagawa ay walang particular na “encounter with God”.  Ni hindi nga natin alam kung kailan tayo sumampalataya at kung ano ang sinasampalatayanan natin.

Kay Apostol Pablo, ang sambahayang matibay sa pananampalataya ay alam niya ang kanyang sinasampalatayanan, kilala niya kung sino ang kanyang sinasampalatayanan. 

Kung magkaganun, dahil ang pananampalataya natin ay hindi lamang gayagaya sigurado na tayo’y maninindigan at kailanman hindi magniningas cogon kundi magpatuloy na umunlad at magbunga. 

To me faith is the power of the inner being that moves the whole person into action, it is the stimulus that urges the individual to stay long and steadfast.  We should possess faith and we should be possessed by it.

Kung tayo’y naniniwala na may ginto sa ating kalagitnaan ano ba ang ating gagawin?  Hindi ba dapat kumilos upang ating hukayin?  Ang pananampalataya ay hindi pananampalataya kung hindi mapakilos ang ating buong pagkatao.

 

III.  Sumasagana sa pagpapasalamat

Ang Sambahayang Nagsisilakad Kay Kristo-Nagpapasalamat

Ang magpasalamat ay pagkilala sa pinanggalingan ng iyong tinatamasa, pinakikinabangan at ikinabubuhay.  Puede mong sabihin na, pasalamatan ko ang aking sarili dahil ako ang nagpagod na nagtrabaho ngunit hindi naman ikaw ang nagpatubo at nagpalaki sa iyong mga pananim.  Naghintay ka lamang ng ang mga iyon ay lumaki, namulaklak at namunga.  Ni ang araw man na nagbigay magandang kulay at kalusugan ng halaman ay hindi tayo ang gumawa.  Ang ulan na ating inaasahan, ang hangin na nagbibigay buhay sa lahat ng halaman at mga hayop, maing tao.

Lahat ng mga iyon ay libre na ating tinatamasa at pinakikinabangan upang tayo’y mabuhay na masaya, masigla, at malakas.  Lahat ng mga ito ay dapat pasalamatan sa Dios na na nagibigay ng mga ito.

Illustration:                  ANG KAWALAN NG UTANG NA LOOB

Isang hapon umulan ng malakas.  Nabasa ang lupa, lumamig ang simoy ng hangin.  Sa gabi kumikislapkislap ang nabasang dahon ng mga halaman.  Naaliw si Palaka at namasyal at kanyang mabuting tiningnan ang kanyang dinadaanan. Alam niya kasi na karaniwan ang sakuna sa kapaligiran.  Kahit alam niyang nasa tahanan ang mga tao kailangang mag-ingat pa rin.

Mula sa malayo nakakita siya ng isang tahimik na nilalang.  Sa kanyang isip, marahil yan ay ahas o kaya’y anomang hayop na handang sumunggab.  Para sa kanya, kung ahas iyon madali lang niya akong sunggaban.  Kaya’t kanyang binago ang kanyang direksyon, nang kanyang marinig na nagsalita ang ahas at kanyang sinabi, “Tulungan mo ako, di ako makagapang, tinaga ako kahapon at may sugat sa aking katawan.  Patay sana ako kung ang ulo ko ang tinaga.”  Sagot ng palaka, “Palagay ko di ko magagawa yan dahil kinakain kami ng ahas.  Kami’y pinagpayuhan na lumayo sa mga kagaya ninyo at hindi dapat tinutulungan.”  “Alam ko”, wika ng ahas, “kaya lang mamamatay na ako; masyadong mahina na ang aking bibig para ibuka pa ito.”

Naawa ang palaka at lumapit.  Tunay nga na dugoan ang katawan ng ahas at malapit nang maihiwalay ang kanyang buto.  Pinagtiyagahan ng palaka na hinila upang dalhin sa ilog kung saan nakatira ang buong pamilya upang tulongan.  Nagtaka ang pamilya at ang kapitbahay ng palaka.  Sabi nila, tanga ito nakikihalobilo sa kaaway, pabayaan mong mamatay, wika nilang lahat.  Sagut ng palaka, may sugat di niya tayo kayang pagtakanghan pa humihiling ng tulong. 

Hindi pa rin tumulong ang iba dahil sa kanilang takot at pagkakaalam na nangawala ang kanilang kasamahan dahil sa ahas.  Isa lang ang naawa sa ahas at hindi pa tinulongan ng kanyang asawa.  Nilinis ang sugat at nilagyan ng gamut at pinakain pa.  Sa loob ng isang lingo mag-umpisa nang maghilom ang sugat ng ahas at puede nang kumilos ng kaunti.  Halos lahat ng panahon ng mag-asawang palaka ibinigay upang matugonan ang pangangailangan ng ahas. Bawat araw bumabalik ang lakas ng ahas.  Sa isang lingo na lang magaling ka na maliban lang sa pilat ng iyong balat at kaunting baluktot sa iyong buto at para ka nang dati,wika ng inang palaka.

Dahil sa matagal na panahong nagkakasama ang ahas at palaka nawala na ang takot sa panig ng palaka.  Ngunit ang pinakamasaklap bago umalis ang ahas kinain lahat ang mga anak ng palaka.  Sabi ng amang palaka, diba sabi mo hindi mo kami kakainin?  Sagut ng ahas, noong ako’y mahina at ako’y namamatay, ngayon malakas at gutom na ako.  Sa gayon kinain lahat sila.

 

IV.  PANGWAKAS

Mga kapatid, bata man o matanda, ang sambahayang nagsisilakad kay kristo ay nanga-uugat at nangangatayo sa kanya.  Isinasalig nila ang kanilang buhay sa lupang hindi nagkakaroon ng tigang, sa Kanya ay katiwasayan. 

Ang sambahayang nagsisilakad kay Kristo ay may matibay na pananampalataya, ang kanilang theme song ay “Pag-asa Ko ay Natatag” na nagsasabing pag-asa ko ay natatag, sa buhay ni Cristong liyag, tanging sa ngalan N’yang wagas di nababatay sa lakas. Kahit lukuban ng dilim di lilipas kanyang ningning, kung bagyo man ang darating ang pag-asa ko ay S’ya rin.  Ang pangako at ang tipan, na ang dugo ang saligan, kahit tayo ay bayaan may Cristo pang papatnubay. Cristong matibay na Bato, ang tunay na saligan ko. 

Ang sambahayang nagsisilakad kay Kristo ay sumasagana sa pasasalamat.  Alam niyang kilalanin ang pinanggalingan ng pagpapala na kanyang tinatamasa at siya’y di tumitigil sa pagkilala at pagsamba sa kanyang buong kakayanan.

Sa pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.  Amen.