Ang Tansong Ahas sa Ilang at si Kristo sa Kalbaryo

Teksto: Numbers 21:4-9; John 3:14-21

Ang Tansong Ahas sa Ilang at si Kristo sa Kalbaryo-bronze snake2

Nagkasala ang tao at nasira ang Ugnayan sa Kapwa at sa Dios
Ang bronseng ahas at si kristo ay magkaiba ngunit parehong ito’y pamamaraan at pagpapakita ng Dios kung paano niya isinagawa ang kaligtasan sa tao.  Tandaan natin na ang kapahamakan ay hindi galing sa Dios bagkus ito’y galing sa tao. Dahil sa kasalanan ay mapapahamak ang buhay ng tao at ito’y patuloy na humahadlang sa panukala ng Dios. 

Ano ba ang kasalanan?  Ito ang pagsira sa ugnayan sa Dios, sa kapwa tao, at sa ating sarili.  Ibig sabihin kapag patuloy na tayo’y may kaalit, patuloy na may kinapopootan, patuloy na kinamumuhian, patuloy na may hindi kapalagayan ay nagpapatuloy tayong nagkakasala.

Ang taong maayos ang ugnayan sa kapwa at sa Dios ay bihirang magkaroon ng pagkasira sa sarili, at ito’y hindi nagkakasala.  Sa aking pagkaintindi sa Banal na Kasulatan ay walang ibang binibigyang diin at halaga kundi ang ugnayan ng lahat ng nilalang ng Dios lalong-lalo na sa taong kanyang kawangis.  Ang hidwaan at hiwalayan, karahasan na humahantong sa patayan, pananamantala at pang-aabuso, pagiging gahaman nahumahantong sa pangongorakot o pag-angkin sa mga bagay na hindi para syo, at iba pa ay humahantong lahat sa pagkasira ng ugnayan at nagdudulot ng kalungkutan sa isa’t-isa.  Ito ang ayaw ng Dios na mangyari sa bawat isa sa atin.  Ayaw niyang may malungkot, may nasasaktan, may naagrabiyado.  Gusto niya masaya lahat, nag-i-enjoy lahat at nadarama ng lahat ang kabuluhan ng buhay.

Sa Lumang Tipan
Sinira ng tao ang ugnayan nila sa Dios.  Sa mga naunang kabanata nito ay malalaman natin na noong inaalipusta ng mga Egipcio ang mga Israelita at dumaing sila sa Dios at ito’y tumugon at inilabas sila sa Egipto.

Ang dati nilang kaibigan ay kaaway na ngayon.  Dahil lamang sa nainip sila sa daan sa kahahadlang ng mga taong kanilang madaanan ay inaway nila si Moises at ang Dios na naglabas sa kanila sa pagkaalipin.

Dahil nakalimutan nila ang kamanghamanghang ginawa ng Dios ay gusto niya silang turuan uli.  Kayo’y masyadong ulianin….., dahil sa kaunting hirap ay nakakalimutan nila ang malaking ginawa ng Dios sa kanila.

Nagpaalala ang Dios, Ang Kakayanan ng tao ay hindi puede ipagmalaki sa Dios
Pinaalalahanan sila ng Dios sa pamamagitan ng makamandag na mga ahas.  Sige, magsubukan tayo kung kaya ninyong labanan ang mga ahas mas maalam kayo, mas marunong kayo at mas makapangyarihan kayo sa akin.  Nagpakawala na siya ng mga ahas, sa kasawiampalad ay maraming namatay.  Nangangahulugan lamang na wala pa sa kalingkingan ang kakayanan ng tao upang sumagupa sa kapangyarihan ng Dios.  Sa isang ahas lamang ay manganganib na ang buhay ng tao.  Nasaan na ang kayabangan ng tao na humahamon sa Dios?  Walang binatbat. Ano ba ang katotohanan dito?

Hindi ang Dios ang may napatunayan sa sarili kundi ang tao.  Hindi kailangan ng Dios na magpakitang gilas sa tao dahil alam na niya ang kanyang kakayanan.  Ngunit gusto niya na sa pamamagitan ng kanilang karanasan ay magising sila, at napatunayan nila, na ang kanilang kakayanan ay hindi puede ipagmalaki sa Dios.

Kailangang ng tao ang saklolo mula sa Dios
Dahil napatunayan ng tao na wala siyang magawa upang sagipin ang buhay mula sa mga makamandag na ahas ay dumaing muli sila sa Dios.  Ang dating kaibigan na naging kaaway ngayon ay muling nilalapitan upang maging kaibigan.  Siya ang taga-saklolo at bukal ng buhay upang magpatuloy at maganap ang kanyang pangako sa baying suwa-il.

Kung Magtrabaho ang Dios ay Kapakipakinabang
Nadinig niya ang samo ng kanyang bayan at nagpagawa kay Moises ng bronseng ahas na siyang bantayog ng kaligtasan mula sa Dios.  Ngunit sa aking pag-iisip ay kailangang itanong ko ang, “sa lahat ng mga bagay bakit hugis ahas pa ang itataas yamang ito ang nagdudulot sa kanila ng kamatayan”?  Hindi lang iyon, bakit kailangang bronze?

Napasok sa isip ko tuloy na sa Bibliya yata na-inspire ang mga manggagamot dahil hugis ahas ang logo nila?

Sa karanasan masasabi natin na ang ahas ay tunay na makamandag dahil sa loob lamang ng mga saglit ay mamamatay ang taong natuklaw kung hindi ito mabibigyan ng agarang lunas. Sa amin may ilang batang namatay dahil sa curiosity.  Sa akala nila na isda ang sumuot sa ilalim ng bato at dahilan na lumabo ang tubig ay kinapa ito at dahilan na matuklaw.

Maging sa mga taong may training para panghawakan ang mga ahas ay namamatay din dahil sa tuklaw at kamandag.

Ganun pa man alam ba ninyo na ang ahas ay masasabing harmful but harmless? 

Bakit?  Ang makamandag na ahas ay puedeng kainin na hindi ka mamamatay, kayat kasama ito sa mga pagkaing exotic.

May kasabihan na, “kung sa baril ka mabubuhay ay sa baril ka rin mamamatay.  Dito sa kalagayan ng mga Israelita, kung sa ahas ka mamamatay ay sa ahas ka rin mabubuhay.  To me, this is God’s wise demonstration and impartation of teaching.  He teaches people out of their concrete happenings in life. He never teaches in vacuum, he always starts from something that can be easily remembered and something that is easily understood.

Kayat ang isang tao ay tinuturuan ng Dios sa mga bagaybagay na mula sa karanasan na madali niyang maintindihan.  Ang problema nga lamang kung ayaw ng taong intindihin ang isang bagay na puede namang intindihin ay hindi niya talaga maintindihan.

Pangalawang bagay na na ating lilinawin ay ang tanong na “bakit kailangang tanso ang ginamit” ? Bakit hindi ginto o kaya silver? Bakit hindi na lang kaya gumamit ng semento?

Liban  po nito na ang tanso ay kakulay ng ginto, katulad nito ang kulay ng makamandag na ahas lalong-lalo na ang cobra.  Alam din po natin na ang tanso ay mas matibay kay sa ginto. Ang tanso ay makintab pag ito’y nililinis at ito’y kumikislap sa sinag ng araw, kaya kahit malayo ay nakikita.  Ngunit higit sa lahat ito ay may halaga noong panahong iyon at ito ay sumasagisag sa kayamanan na naroon sa panahon at lugar na iyon.  Ito rin ang nagpapaalala sa teknolohiya na mayroon ang tao sa panahong iyon.  Ito rin ang panukat sa kapangyarihan at angking yaman ng pamayanan noon.  Sa maikling salita, “readily available” hindi mahirap hanapin.  Dito ko naiisip na ang Dios ay hindi naghahanap ng mga bagay na mahirap matagpuan.  Bakit hindi ginto?  Alam ng Dios yan na mas madaling  kunin ang tanso.


God uses things readily available around.
The matter needed, the skills to be employed to mold in shape they wanted to, and the durability.  Ang paniwala ko sa panahon ng kagipitan ang Dios ay lalong hindi nagpapahirap ng kalagayan.  There are always remedies to be employed to address the very situation, this maybe a critical one.  Kayat sa anumang kalagayan ng buhay may pamamaraang inihanda ang Dios at ito’y upang ibsan ang sinuman hindi lalong pahirapan. 

Madalas natin naririnig pagnagkaproblema ang tao sinasabi niya sa sarili, pinaparusahan yata ako ng Dios.  Marahil totoo iyon, ngunit nakita natin na pagkatapos pinarusahan at binigyann paalala ang mga Israelita ay agarang binigyan ng lunas ang problemang kanilang kinalalagyan.

Ang Dios ay magpaalala sa atin upang tayo’y magising ngunit ayaw niyang ilagay sa kapahamakan ang buhay na pinakamamahal niya.  May lunas na kanyang inilaan sa bawat pasanin at itoy madaling masumpungan ng mga taong nagmamahal at nagpapahalaga ng buhay.

Do you think God settles for less? For me, NO, I believe God always settle for the best.  Bakit hindi bato, bakit hindi kahoy, bakit hindi pagkain at tubig?  Lahat naman ang mga ito ay marami sa paligid ngunit hindi pinili.  I come to think that God always use the best in every unique experience, and in that unique experience He uses a unique solution.  It is something that is best for that period and best of all things. 

Nasabi natin kanina na ito’y makinang kayat ito’y madaling mapansin lalo na sa kulay na taglay nito. Kung kayo ay magmasid sa mga malalayong lugar, ang madaling mapansin ay ang mga bubong ng bahay na yero.  Kakaiba sa nasa paligid na mga halaman.  Liban sa ang tanso ay sumasagisag sa mainit na  kamandag ng ahas ito rin ay tanda ng marubdob na pagnanasa at galit ng Dios.

Ito’y nagaalab na parang apoy sa pamamagitan ng sinag ng araw.  Sa akin ang pinaka-best sa Dios ay ang uniqueness ng isang bagay, ang halaga at bias ng isang bagay para iparating ang mensahe na gusto ng Dios na maintindihan ng tao.

Gusto kong maniwala na ang pagkilos ng Dios ay laging sa panig ng pinakamabuti.  Hindi kumikilos ang Dios sa panig ng walang-kalubhaan.

Kung ating mapansin, ang reklamo ng mga Israelita ay nagsasawa na kami sa manna at naiinip na sila sa daan, nauuhaw na sila hindi gaya nang sila ay nasa Egipto.  Ang tingin nila ay mas maganda sa Egipto kahit sila inaalipusta.  Maganda para sa kanila ay bumalik na lang.

Ang tao talaga, kapag napapasuong sa kaunting kahirapan mas gugustuhin niya ang walang kalubhaang bagay (human has the tendency to settle for less rather than for the best),  but God has not taken Israel out of Egypt for less, God has taken out Israel from Egypt for the best.  It is from slavery to freedom and sovereignty. It is from a dehumanized person to a person with dignity and honor.

Many times we question God in critical situations never realizing that God’s promise is faithful.  Often times we make our own choices apart from God’s leading and when we are down we blame God.

Sa ating paglalakbay kung kasama ang Dios, hindi niya tayo ipaghahanda sa mga bagaybagay na makasasama bagkus ang Kanyang paggabay ay makasusumpong tayo ng higit na mabuti sa lahat.  Isaisip natin, God doesn’t settle for less, God settles for the best for you and for me.


Ang tansong ahas sa ilang at si Kristo sa Kalbaryo

Ang Tansong Ahas sa Ilang at si Kristo sa Kalbaryo-the crucified Christ
Kanina nasabi ko, ang bronseng ahas at si kristo ay magkaiba ngunit parehong ito’y pamamaraan at pagpapakita ng Dios kung paano niya isinagawa ang kaligtasan sa tao.  Ano ba ang kaibhan ng tansong ahas at si Kristo?

Napakainam na isipin na ang kamandag na nakamamatay ay may madaling kasagutan at maliligtas ang buhay.  Patuloy yan na karunungan ng Dios hanggang ngayon at ito’y napapatunayan ng teknolohiya, the venom that kills is the antidote itself.  Inaalagaan ang mga ahas upang kunin ang kamandag ng mga ito at gagawing gamot sa mga nakagat ng ahas. 

Ang tansong ahas ay kagamutan sa mga viktima ng tunay na ahas at ito’y nagdulot ng malaking kaginhawaan sa mga nagkasalang tumatanggap ng paalala at kaparusahan.  Kahit malayo ka kung ito’y iyong makikita ay ligtas ka.  Liban lamang kung ika’y nasa ibang dako at hadlang ang mga bundok at pusikit na kadiliman.  Gayon pa man sinigurado ng Dios na may paraan upang maligtas ang nagkasala.

Ngunit ano kaya ang mangyayari sa taong ayaw tumingin sa tansong ahas?  Siya ay masasadlak sa kamatayan.  Kaya’t kailangan siyang tunmingin sa ayaw at sa gusto niya, maniwala man o hindi ipinangako ng Dios na sinuman na tumingin ay magtatamo ng kaligtasan.

Sa ating panahon ang pagtingin sa kaliwa at sa kanan kung ika’w naglalakad o bumabagtas sa kalsada ay napakalaking bagay upang maiwasan ang aksidente at maisalba ang buhay.  Gayon din sa mga drivers tingin sa kaliwa at tingin sa kanan bago ipasok sa linya ang sasakayan ay nakabubuti sa lahat.

God demands of us solemn commitment in life stewardship.  It is a choice we have to make if we really value life in its fullest sense.  We have to turn our eyes to God and look into His wonderful grace.

 

Noon sinagip ang buhay sa pamamagitan ng bagay, ngayon sinagip ang buhay sa pamamagitan ng buhay.

Kung ang tansong ahas ay kailangang tingnan sa pamamagitan ng mata upang maligtas, narito ang Kristo sa ating panahon.  Ang Kristong ito na nabayubay sa Kalbaryo ay higit na mabuti kay sa tansong ahas.  Noon sinagip ang buhay sa pamamagitan ng bagay, ngayon sinagip ang buhay sa pamamagitan ng buhay.

 

Ito ay lalong higit na mabuti dahil hindi kailangang tingnan sa ating mga mata, hindi kayang hadlangan ng kabundukan at pusikit na kadiliman.  Ang bantayog ng kaligtasang ito ay puedeng makita o masilayan sa pamamagitan ng “mata ng pananampalataya”.
We can avail of God’s salvation in Christ through the eyes of faith.  In the eyes of faith, we can solemnly submit ourselves to God and commune with Him.  In the eyes of faith, we can be forgiven.  In the eyes of faith we can be restored to life, and in the eyes of faith we can claim God’s promise, in the eyes of faith, we can be God’s children of heirs.

Salamat sa Dios na laging may paraan upang sagipin ang sangkatauhan.  Ito ang nagbibigay lakas sa atin upang magpatuloy sa pananampalataya at maging kasangkapan niya sa kanyang bayan.