Babalik si JesuCristo

Babalik si Jesu-Cristo-Jesus will come again


2 Thessalonians 2:1-5

Ang pag-asang ito ay nagmula sa labi ng Panginoong JesuCristo. Nanatiling buo sa isipan ng mga alagad na nakisama sa Panginoong Jesus. Ang mga alagad ay patuloy na nagkuwento tungkol sa narinig nila sa kanya at dahil sa kakukuwento nila ay naisulat ng mga manunulat. 

Ang mga alagad ay mga saksi sa mga nakita nila, narinig nila at nadama nila na nagpabago ng kanilang buhay bilang tao.  Marami silang narinig na katuruan ni Jesus.  Mga katuruan na hindi karaniwan kundi ito’y mga pambihira o kakaiba, dahil ito’y humahamon sa mga tradisyon na umiiral sa kanilang lipunan.

Noong buhay pa si Jesus ay nagsiwalat ng mga katotohanan tungkol sa napipintong plano ng Diyos. Sa libro ng Mateo (chapter 25) nabanggit ang pagbabalik ng “Anak ng Tao”.  Sa Juan (chapter 14) sinabi na si Jesus ay aalis upang ipaghanda ang kanyang mga alagad ng silid at babalik upang isama sila.

Noong siya ay wala na, kanyang iniwan ang isang pag-asang hinihintay ng lahat na nakarinig dahil sa sila’y naniwala hindi lamang sa salita na binitiwan kundi mismo sa nagsalita.

Mula sa mga labi hanggang sa papel at tinta ay naukit ang katotohanang ito na pinanghawakan ng mga alagad, apostoles hanggang sa ating kapanahunan. Ang ating ‘Statement of Faith’, nasambit ang mga linyang ito:            “The resurrection of Jesus Christ has overcome the power of death and gives assurance of life after death.

And we look forward to His coming again in all fullness and glory to make all creation new and to gather all the faithful under God’s Kingdom.”


I.  Ito ay isang pag-asa na unti-unti at mabisang lumalaganap sa buong katauhan

Ang panampalatayang ito ay nag-umpisa sa labing-dalawang alagad at ito’y kumalat at humawa sa ibang tao. Ang labing-dalawa ay naging pitumpo, at ang pitumpo ay naging isang-daan at dalawampu, ang isang-daan at dalawampu ay naging tatlong-libo at ang talong-libo ay naging isang bansa. Mula sa Gitnang-Silangan hanggang Europa, mula Europa hanggang US, mula US hanggang Asia.

Isang pananampalataya na si Jesus ay totoong tao at totoong Diyos.  Siya ay totoong tao, nakisalamuha sa mga nilalang.  Dinanas niya ang gutum. Uhaw, at pait ng buhay dito sa lupa.  Ngunit sa pagiging ganap niyang tao ay di nagkasala upang naging daan ng kaligtasan sa mga makasalanan.  Kayo at ako ay kabilang sa mga naligtas.  Kung hindi siya Diyos wala siyang karapatang maging tagapagligtas dahil ang makasalanan ay hindi maging tagapagligtas.

Ang kaligtasang ito ay para sa buong sanlibutan.  Kung gayon, walang makapipigil sa pag-asang ito.  Lalaganap at lalaganap, walang makahahadlang sa butil na lumago at nagbibigay ng uri ng buhay.  Ito’y butil na inihambing sa butil ng mostasa na mabisang nagbibigay ng sustansiya sa katawan at hindi gaya ng butil at dahon ng marijuana na pagdinamihan mo ay sisirain ang utak.  Butil ng pag-asa na nagpapatino sa kalagayan ng isang tao hindi sumisira.

Magandang ito ang uri ng butil na ating palaganapin sa buhay, tiyak na madadala sa isang lipunang matino at kapakipakinabang.


II. Ito ay isang pag-asa na naghihintay sa ganap na Paghahari ng Diyos

Sa pagtuturo ni Jesus, nakitaan siya ng kakaibang katuruan.  Ang mapangahas at marahas na gawi ng mundo ay kanyang binaliktad at nagbigay ng pagpapahalaga sa buhay.  Ang tao’y sadyang marahas, ngipin sa ngipin, mata sa mata, tainga sa tainga at iba pa.  Sa lumang tipan, sa Exodo ay para bagang itinuturo ng Diyos ang karahasan.  Sa pag-uumpisa ng Israel bilang isang bansa ay kailangan nilang magtatag ng mga alituntunin na gagabay sa kanilang pamumuhay.  Kaya’t mayroon silang “Political Polity” at “Ecclesiatical Polity”.  Ang political polity ay tungkol sa buhay nila bilang mamamayan.  Ang pakikitungo sa kapwa tao ay dapat may pamantayan.  Nabanggit dito ang ngipin sa ngipin, mata sa mata, kamay sa kamay, o anumang bahagi ng katawan ng tao na sinaktan mo at kung gaano kabigat ang iyong ginawa ay ganun din ang gagawin sa iyo.  Ito’y nahahantong sa kamatayan.  Bawat pagkakamali ay nakataya ang iyong buhay.

Ang katotohanan kung magpakasama ang tao sa kapwa tao ay walang matitira, sila ay mag-uubusan.  At ito ang ayaw ng Diyos na mangyari kaya gusto niyang ipakita ang patutunguhan ng karahasan ng tao. (Bakit niyainilabas sila sa Egipto?  Dahil gusto niyang malayo sila sa karahasan at kawalan ng katarungan.)

Si Jesus nagturo na mahalin mo ang iyong kaaway, pakainin mo, damtam mo, samahan mo sa daan kung kailangan, ipanalangin na magbago.  (Hindi ipanalangin na mawala)

Sa mga taong na-etse-puera ay nagkaroon ng halaga at kabuluhan.  Mga taong may kahinaan sa pisikal na katawan at itinuturing na “outcasts” o walang silbi ay nabigyan ng pansin.  Mga taong palalo at mapagmataas ay tinuruang maging mapagpakumbaba.  Ito ay sa lahat ng pakikisama at pagiging lingkod o sa paglilingkod. Sa buong Biblia ay umaalingaw-ngaw ang salitang katarungan dahil ito ang umuudlot ng kapayaan at kabuluhan ng buhay kung hindi ini-ukol sa bawat isa.

Hanggang ngayon ay patikim pa lamang ang ating nakakamtan at walang kaganapan sa hinahangad nating katarungan.  Ang nananatiling katanungan sa bawat tao ay kailan kaya maging ganap ang katangian ng kalangitan dito sa lupa.  Kaya’t ang panalangin ng bawat naniniwala na may Diyos ay, “Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad sa langit” (Mateo 6).

Sa pagbalik ni Jesus, ito’y magdadala ng katapusan ng lahat ng kasamaan, hindi mangingibabaw ang masama sa mabuti.  Kung sa tao ay may suhulan para mabago isip niya at paninindigan, ang Diyos ay hindi makukuha sa kayamanan.  Sa kanya walang mayaman at dukha ang makatarungan ay makatarungan hindi puedeng baliktarin.

Sinusubukan nating kamtin ito dito at ngayon, ngunit napakailap.  At dahil sa pagsisikap natin na gawing langit ang lupa ay marami na tayong itinayang buhay.  Ngunit hindi tayo nawawalan ng pag-asa, sa kamay ng Makapangyarihang Diyos at sa pamamagitan ng kanyang pangako ay darating din.  Hindi magtatagumpay ang kasamaan.


III.  Ito ay isang pag-asa na kumikilala sa walang hanggang buhay.

Balikan natin ang mga salita ng ating Panginoong Jesus.  “Ako ang daan, katotohanan, at buhay”(John 14:6).  “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.  Angnananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin kahit mamatay muling mabubuhay” (John 11:25).  “Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki’t babaing karapatdapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa.  Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang silang binuhay” (Lucas 20:34-36).

Ang mga ‘Gospels’ ay nasulat upang labanan ang maling kaisipan tungkol sa ‘identity’ ni Jesus, na siya ay tao lamang.  Dahil kung ganun ang lahat ng kanyang mga sinambit ay pawang walang saysay.  Sa mga sulat ni apostol Pablo sa Tesalonica ay may layuning labanan ang lumalaganap na kaisipan na nalalapitna ang pagbalik ni Jesu-Kristo.  Kaakibat nito ang dulot ng kanyang pagbabalik na masaganang buhay. (Ilustration: PastorQuibuloy)

Ang ating ‘Statement of Faith’, nasambit ang mga linyang ito:         “The resurrection of Jesus Christ has overcome the power of death and gives assurance of life after death.          And we look forward to His coming again in all fullness and glory to make all creation new and to gather all the faithful under God’s Kingdom.”

Sa ating pag-aaral at sa tibo ng ating pananampalataya si Jesus ay Diyos, dahil dito naniniwala tayo sa lahat ng kanyang sinabi tungkol sa walang hanggang buhay.  Ito’y pinatunayan ng Diyos sa paggapi niya sa kamatayan noong nabuhay muli si Jesus sa libingan.  In God there is no impossible.


Pangwakas

Si Jesus ay babalik, ngunit walang nakaaalam kung kailan, ito ay maliwanag na kanyang sinabi:  “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.   At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka’t gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila’y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong. At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.  (Mateo 24:26-39)

Ang mga Saksi ni Jehova ay anim na beses ng nagkamali sa pagtatakda ng petsa ng pagbabnalik ni Jesus:

1886—Messiah will take the dominion of earth and overthrow its oppressors.

1914—Close of Battle of Great Day of God Almighty.
           Kingdom of God established on earth
           Farthest limit of the rule of imperfect men

1915—End of the Battle of the Great Day of God Almighty
          Complete overthrow of earth’s present rulership
          Armageddon might begin

1918—End of the Battle of the Great Day of God Almighty
          Wholesale destruction of churches and nominal                    “Christianity”

1925—Climax in the affairs of the world Resurrection of                  Abraham, Isaac, Jacob and faithful people listed in                Hebrews 11

          Resurrected beings will head the new order of things            on earth

1975—End of 6,000 years of human history
          Possible date for Armageddon and beginnings of                    Christ’s rule on earth.

Kahit di natin alam kung kailan yon, nananatili ang pag-asa nating bumibigkis sa at lumalaganap sa ating pagkatao. Nananatili ang pag-asa nating darating ang ganap na paghahari ng Diyos, at habang hinihintay natin ay isinusulong natin ito sa ating kapamaraanan.  Nananatili ang pag-asa natin na magpapatuloy pa rin ang buhay sa kabila ng pisikal na kamatayan sa batayan na:  Kung ang Diyos ay buhay at siya ang ang nagdudulot nito, hanggat nananatili ang Diyos ay mananatili at magpapatuloy ang buhay.

Ang pag-asang ito ang patuloy na gumagabay sa pagunlad ng iba’t-ibang grupo ng mga Kristiano.  Siya rin ang dahilan kung bakit dumadami ang mga Pari, Pastor upang ito’y ipaalala na hindi dapat makalimut ang bawat isa sa pangako ng Diyos.

Dito ko nakikita ang kahalagahan ng templo ni Yahweh sa lumang tipan.  Ang sambayanang kumikilala sa buhay na Diyos ay nakikitaan ng mga mga templo, kapilya.  Ito’y nagsisimbolo ng kaisahan ng mga tao.

Ayaw ng Diyos ang kanyakanya sa pananampalataya dahil ito’y hindi nakabubuti sa buhay ng lipunan.  Ang kapilya, templo, mosque o anumang tawag ay tanda ng pagkakaisa ng mga tao.  Sila ay “wiling” na makipagkasundo, makihalobilo, makilahok para sa pangkalahatang pag-unlad.

Kaya’t sinumang nagbibigay halaga sa Iglesia at kanyang gawain ay bukas ang puso na sumawsaw para sa ikabubuti ng sambayanan at sambahayan ng Diyos.  Amen.