January 28, 2018
National Bible Sunday
4th Sunday after Epiphany
Color: White
Texts:
Deuteronomy 18:15-20
Deu 18:15 Instead, he will send you a prophet like me from among your own people, and you are to obey him.
Deu 18:16 “On the day that you were gathered at Mount Sinai, you begged not to hear the LORD speak again or to see his fiery presence anymore, because you were afraid you would die.
Deu 18:17 So the LORD said to me, ‘They have made a wise request.
Deu 18:18 I will send them a prophet like you from among their own people; I will tell him what to say, and he will tell the people everything I command.
Deu 18:19 He will speak in my name, and I will punish anyone who refuses to obey him.
Deu 18:20 But if any prophet dares to speak a message in my name when I did not command him to do so, he must die for it, and so must any prophet who speaks in the name of other gods.’
Mark 1:21-28
Mar 1:21 Jesus and his disciples came to the town of Capernaum, and on the next Sabbath Jesus went to the synagogue and began to teach.
Mar 1:22 The people who heard him were amazed at the way he taught, for he wasn’t like the teachers of the Law; instead, he taught with authority.
Mar 1:23 Just then a man with an evil spirit came into the synagogue and screamed,
Mar 1:24 “What do you want with us, Jesus of Nazareth? Are you here to destroy us? I know who you are—you are God’s holy messenger!”
Mar 1:25 Jesus ordered the spirit, “Be quiet and come out of the man!”
Mar 1:26 The evil spirit shook the man hard, gave a loud scream, and came out of him.
Mar 1:27 The people were all so amazed that they started saying to one another, “What is this? Is it some kind of new teaching? This man has authority to give orders to the evil spirits, and they obey him!”
Mar 1:28 And so the news about Jesus spread quickly everywhere in the province of Galilee.
KAAYUSAN NG PAGSAMBA
PAMBUNGAD NA TUGTUGIN
PAGBUBULAY-BULAY: “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan. Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig si Yahweh, at nilakaran ang Kanyang landas, pagpapalain Niya kayo sa lupaing ibibigay sa inyo. Mabubuhay kayo ng matagal at Kanyang pararamihin kayo.” (Deuteronomio 30: 15-16)
TAWAG SA PAGSAMBA (Halaw sa Awit 119)
Patnugot – Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw.
Kapulungan – Buong puso ang hangad naming sambahin Ka’t paglingkuran, huwag Mo kaming hahayaang sa utos Mo ay sumuway.
Patnugot – Mapalad ang sumusunod sa Kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa Kanyang kalooban.
Kapulungan – Ang banal Mong kautusa’y sa puso namin iingatan upang hindi magkasala laban sa Iyo kailanman.
Lahat – Purihin Ka Yahweh, Ikaw’y aming pupurihin; ang lahat ng tuntunin Mo ay ituro po sa amin. Sa bigay Mong kautusa’y lubos kaming nalulugod, sa aming puso’y iingatan upang iyo’y ’di malimot.
AWIT NG PAGPUPURI Diyos Natin ay L’walahatiin HOFJ 8
Diyos nain ay l’walahatiin, atin S’yang papurihan;
May paggalang na lapitan, Ngalan N’ya’y ipag-awitan.
Koro:
Diyos ng awa, Diyos ng pagsinta, tanggapin aming pagsamba;
Alay naming puso’t kalul’wa, at lagging pupurihin Ka.
Sala nati’y ipahayag, nang kamatin ang patawad;
Ating dalhin ang bagabag, pala N’ya ay igagawad. (Koro)
Nasa ng Diyos ay hanapin, aral N’ya’y dinggin natin;
Buhay natin ay ihain, atas N’ya ay ating tupdin. (Koro)
IMBOKASYON Patnugot
TAWAG SA PAGSISISI (I Juan 1:6,8,10)
Patnugot – Kung sinasabi nating tayo’y may pakikiisa sa Kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan. Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos , at wala sa atin ang Kanyang salita.
Buong kapakumbabaang tayong magsisi ng ating kasalanan upang tayo’y mapatawad sa ating mga kahinaan at kung magkagayon maranasan natin ang isang pagsambang makabuluhan.
TAHIMIK NA PAGSUSURI NG SARILI AT PAGSISISI (mahinang tugtugin)
ANG PAGTANGGAP NG KAGANDAHANG-LOOB NG DIOS Pastor
“Si Hesus ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang Siya’y matuwid. Nuong unang panahon, nagtimpi Siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. Ngunit ngayon ay tuwirang ipinapakita ng Diyos na Siya’y matuwid at Siya ang nagpapawalang-sala sa mga sumasampalataya kay Hesus.” (Roma 3: 25-26)
Kapulungan – Purihin ang Diyos sa kapatawarang kaloob Niya sa atin sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoong Hesus. Amen
Awit ng Kapulungan Ako’y Makasalanan Bago S’ya Namatay MASP 292
Koro:
Oo, Kanyang kinuha pasan kong ‘di kaya;
Oo, Kanyang kinuha ang samo’y tugon N’ya.
Sindak ng aking dibdib ay pinatahimik;
Inibsan ng pasakit, nag-iwan ng awit.
BALITA AT MALASAKIT NG IGLESIA
PANALANGING NG BAYAN NG DIOS
TUGON Ngalang Hesus, O Kay Tamis MASP 117
Kung Ngalan N’ya ay tawagan, lungkot ko ay napaparam;
Ang pighati’t agam-agam , mapapawing lubusan.
Koro:
Hesus, Ngalang kay tamis, Hesus walang kaparis;
Hesus laging iawit, purihin bawat saglit.
ANG KAPAHAYAGAN NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA:
Mula sa Lumang Tipan Deuteronomio 18:15-20
IKALAWANG PAGBASA:
Mula sa Ebanghelyo Marcos 1: 21-28
TUGON Ang Salita ng Diyos HOFJ 353
Ang Salta ng Diyos ay may yaman, waring ginto’t perlas na tunay;
Kung sasaliksikin araw-araw, may kakamting lugod ang buhay.
ANG MENSAHE SA AWIT
ANG MENSAHE SA SALITA
ANG PAGHAHANDOG NG MGA KALOOB
TAWAG SA PAGHAHANDOG
Patnugot – Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa maraming bagay. Higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.
Kapulungan – Pasasaganain Niya tayo sa lahat ng bagay, upang lalo tayong makatulong sa nangangailangan. Sa gayo’y dadami ang magpapasalamat sa Diyos, dahil sa ating mga handog na kaloob.
Lahat– Kaya, halina’t ialay natin sa Diyos ang ating mga handog pasasalamat sa Kanya.
PAGHAHANDOG NG MGA KALOOB
TUGON Doxologia AIK # 87
Purihin ang Dios ng awa, Kristo’t Diwang mapagpala.
Magpuri ang taong madla, sa Dios ng langit at lupa. Amen.
PANALANGIN NG PASASALAMAT
AWIT NG PAGTATALAGA Santa Biblia
Santa Bibliang marangal, ikaw ay isang yaman;
Sumasa iyong tunay Banal na kaalaman
Sa aki’y tinuturan mula ko’t hahantungan.
Santa Bibliang marangal, ikaw ay isang yaman.
Ikaw ang sumasaway, ikaw ang nangangaral;
Ikaw ang aking tanglaw, at syang pumapatnubay,
Sa bukal ba malinaw ng kanyang pagmamahal
Ikaw ang sumasaway, ikaw ang nangangaral.
Di nalilisyang tinig ng Dios sa manga langit
Na magbibigay bihis, sa nanga sa hinagpis;
Laya ay ipinalit sa manga napipiit
Di nalilisyang tinig ng Dios sa manga langit.
Batid ang iyong liham, kay Kristo’y ibinigay;
Wala mang karapatan, ako ng kalangitan;
Santa Bibliang marangal ikaw ang aking yaman.
Batid ang iyong liham, kay Kristo’y ibinigay.
PANALANGIN NG PAGTATALAGA
ANG BENDISYON AT PAGHAYO
TATLONG AMEN