KAAYUSAN NG PAGSAMBA
June 9, 2019
Pentecost, Freedom Sunday
ANG PAGHAHANDA SA PAGSAMBA AT PROSESYONAL
PAGPASOK NG PATNUGOT AT TAGAPAMAHAYAG
PAGSISINDI NG KANDILA AT PAGBUBUKAS NG BIBLIA
TAWAG SA PAGSAMBA
Patnugot: “Purihin si Yahweh! Mapalad ang tao na may takot sa Diyos. Ang taong matuwid, maybait at habag, sa madilim taglay ay liwanag.”
Kapulungan: “Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat. At maasahan lahat niyang batas. Ito ay lalagi at di magwawakas, pagkat ang saliga’y totoo’t matapat.
Patnugot: Itanghal natin ang pangalan ng Diyos na mapagpalaya, ang Kanyang pag-ibig ay apoy na nag-aalab. Mula sa Kanya ang karunugan ng katwiran at kahabagan.
Kapulungan: Purihin natin ang Diyos na patuloy na nananahan sa kanyang bayan. Pasalamatan natin siya sa patuloy niyang paghahayag ng katotohanan. Pag-alabin natin ang ating pagsamba at ipahayag ang Kanyang Mabuting Balita sa gitna ng mapanghamon at nagbabagong panahon.
IMNO NG PAGPUPURI “Kabanalbanalan” MASP 199
Kabanalbanalan, Makapangyarihan, Sa bukang liwayway ika’y aawitan
Kabanalbanalan, mahabaging tunay, Tatlong persona Dios na marangal.
Kabanalbanalan pinupuring tunay, Ang angel sa langit iyo’y nagpupugay;
Saiyong paanan ay ini-aalay, Puri, lwalhati na walang hanggan.
Kabanalbanalan, kahit kadiliman, Ang mata ng tao ay dika masilayan;
Tanging ikaw lamang puspus-kabanalan, Pagsinta’y sakdal na kalinisan.
Kabanalbanalan, makapangyarihan, Lupa’t langit nagpupuri sa iyong ngalan;
Kabanalbanalan mahabagin tunay, Tatlong personang Dios na marangal. Amen
IMBOKASYON (Sabay-sabay ang lahat)
Dios na banal, pinupuri at sinasamba ka namin sa espiritu at katotohan. Salamat sa kalayaang kaloob Mo upang ikaw ay aming sambahin at paglingkuran. Salamat sa Iyong Banal na Diwa na pumapatnubay at nagbibigay ng inspirasyon upang ang aming pananampalataya ay tumagos sa apat na sulok ng iglesya tungo sa pamayanang uhaw sa pag-asa at kalinga . Dios na mapagpalaya, linisin Mo ang aming diwa at puso upang kami ay makalaya sa lahat ng maaaring pumigil sa amin upang ang Mabuting Balita ay aming marinig, maipahayag at maipamuhay. Patuloy Kang mangusap, sa aming sama-samang pakikinig ng Iyong mensahe at alalayan sa matapat na pagtatalaga ng aming buhay na patuloy Mong binabago bilang aming karampatang pagsamba.Sa pangalan ni Kristong banal, Amen
TAWAG SA PAGSISISI
Patnugot: Tayo ay binigyan ng Diyos ng kalayaan na may kaakibat na pananagutan. Ihingi natin ng kapatawaran ang lahat na nasabi at nagawa natin na hindi nagbigay ng kaluguran sa Diyos at sa ating kapwa. Humingi tayo ng gabay sa patnubay ng Banal na Espiritu sa mapanagutang paggamit ng ating kalayaan.
TAHIMIK NA PAGSUSURI SA SARILI AT PANALANGIN NG PAGSISISI
KATIYAKAN NG KAPATAWARAN Pastor
Tugong Awit “Thank You, Lord”
Thank you Lord for saving my soul, Thank you Lord for making me whole
Thank you Lord for giving to me, Thy great salvation so rich and free.
PANALANGIN NG IGLESYA:
Tugong Awit MASP #200 “Pag-ibig Ko Jesus ay Dagdagan”
Pag-ibig ko, Jesus ay dagdagan, dalangin ko’y dinggin: kaawaan;
ang tunay kong daing pag-ibig dagdagan; pag-ibig ko ay dagdagan. Amen.
PAGBASA SA LUMANG TIPAN Awit 104:24-34, 35b
Tugong Awit HFJ #353,: “Ang Salita ng Dios”
Ang Salita ng Dios ay mayaman, Waring ginto’t perlas na tunay.
Kung sasaliksikin araw-araw, May kakamting lugod ang buhay.
PAGBASA SA BAGONG TIPAN
Mga Gawa 2:1-21
Roma 8:14-17
Juan 14:8-17, 25-27
MENSAHE SA AWIT
MENSAHE SA SALITA
PAGNINILAY SA NARINIG NA MENSAHE
TAWAG SA PAGHAHANDOG:
Patnugot: “Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kaniyang mga ari-arian, kundi para sa lahat.”
Kapulungan: Ihandog natin sa Diyos ang bunga ng kalayaan mula sa pagkamakasarili. Ialay natin ang ating bagong puso at kaisipan, bagong hubog ng pananampalataya na tumutugon sa kalalagayan at pangagangailangan ng iglesya at pamayanan.
ANG PAGHAHANDOG (Mga Ikapu, Pangako, Tanging Pasasalamat, at iba pa)
DOKSOLOHIYA
Magpuri ang buong bayan, magpuri sa Dios ng buhay
Lupa’t langit maawitan, sa Tatlong Personang Hirang. Amen
PANALANGIN NG PAGHAHANDOG (Sabay-sabay ang lahat)
Diyos na pinagmulan ng buhay at nagbigay sa amin ng kalayaan na itaguyod ang buhay na ganap at kasiya-siya. Narito, ang aming mga alay: iniaalay naming ang aming kalakasan, panahon, kakayanan at katapatan. Nawa ay patuloy Mong pagpalain ang aming buhay : gumawa ng kabutihan at magbahagi ng bunga ng pinagpagalan sa higit na nangangailangan. Gamitin Mo, O Diyos, ang aming mga alay sa pagtataguyod ng pamayanang may pag-ibig, kapayapaan at namumuhay sa katotohanan. Maraming salamat sa lahat ng Iyong kagandahang-loob at katapatan. Kay Kristo Hesus, Amen.
Pagtatalaga ng Buhay sa Diyos
IMNO NG PAGTATALAGA Espiritung Banal MASP27
Espiritung banal, kaming nadidimlan ay tanglawan
Ng iyong liwayway, nagbibigay buhay
Sa nangamamanglaw na naligaw.
Ikaw ang sa amin, mapagbigay aliw sa panimdim
Hwag bayaang tambing na hindi lingapin
Ang nagugupiling sa hilahil.
Dulog, o liwanag na hindi kukupas, at lumagak
Sa isip na bulag na nangawakawak
Ituro ang landas sa paglakad. Amen
PANALANGIN NG PAGTATALAGA at BASBAS
TATLONG AMEN