Kawalan ng Utang na Loob

John3:16

Isang hapon umulan ng malakas.  Nabasa ang lupa, lumamig ang simoy ng hangin.  Sa gabi kumikislapkislap ang nabasang dahon ng mga halaman.  Naaliw si Palaka at namasyal, kanyang mabuting tiningnan ang kanyang dinadaanan. Alam niya kasi na karaniwan ang sakuna sa kapaligiran.  Kahit alam niyang nasa tahanan ang mga tao kailangang mag-ingat pa rin.

Mula sa malayo nakakita siya ng isang tahimik na nilalang.  Sa kanyang isip, marahil yan ay ahas o kaya’y anomang hayop na handang sumunggab.  Para sa kanya, kung ahas iyon madali lang niya akong sunggaban.  Kaya’t kanyang binago ang kanyang direksyon, nang kanyang marinig na nagsalita ang ahas at kanyang sinabi, “Tulungan mo ako, di ako makagapang, tinaga ako kahapon at may sugat sa aking katawan.  Patay sana ako kung ang ulo ko ang tinaga.”  Sagot ng palaka, “Palagay ko di ko magagawa yan dahil kinakain kami ng ahas.  Kami’y pinagpayuhan na lumayo sa mga kagaya ninyo at hindi dapat tinutulungan.”  “Alam ko”, wika ng ahas, “kaya lang mamamatay na ako; masyadong mahina na ang aking bibig para ibuka pa ito.”

Naawa ang palaka at lumapit.  Tunay nga na dugoan ang katawan ng ahas at malapit nang maihiwalay ang kanyang buto.  Pinagtiyagahan ng palaka na hinila upang dalhin sa ilog kung saan nakatira ang buong pamilya upang tulongan.  Nagtaka ang pamilya at ang kapitbahay ng palaka.  Sabi nila, tanga ito nakikihalobilo sa kaaway, pabayaan mong mamatay, wika nilang lahat.  Sagut ng palaka, may sugat di niya tayo kayang pagtakanghan pa humihiling ng tulong.  Hindi pa rin tumulong ang iba dahil sa kanilang takot at pagkakaalam na nangawala ang kanilang kasamahan dahil sa ahas.  Isa lang ang naawa sa ahas at hindi pa tinulongan ng kanyang asawa.  Nilinis ang sugat at nilagyan ng gamut at pinakain pa.  Sa loob ng isang lingo mag-umpisa nang maghilom ang sugat ng ahas at puede nang kumilos ng kaunti.  Halos lahat ng panahon ng mag-asawang palaka ibinigay upang matugonan ang pangangailangan ng ahas. Bawat araw bumabalik ang lakas ng ahas.  Sa isang lingo na lang magaling ka na maliban lang sa pilat ng iyong balat at kaunting baluktot sa iyong buto at para ka nang dati,wika ng inang palaka.

Dahil sa matagal na panahong nagkakasama ang ahas at palaka nawala na ang takot sa panig ng palaka.  Ngunit ang pinakamasaklap bago umalis ang ahas kinain lahat ang mga anak ng palaka.  Sabi ng amang palaka, diba sabi mo hindi mo kami kakainin?  Sagut ng ahas, noong ako’y mahina at ako’y namamatay, ngayon malakas at gutom na ako.  Sa gayon kinain lahat sila.

Ang kawalan ng utang na loob ng tao ay hindi kumikilala ng mabubuting bagay na ginawa ng ibang tao sa kanya.  Ngunit hindi kailanman mangyayari ang ginawa ng ahas na kinain ang mga palaka dahil kailan may hindi iigpawan ng tao ang Diyos.  Samakatuwid, ang taong hindi kumikilala ng utang na loob sa Diyos ay lalong pinapahamak ang buhay.

Kung tayo’ nakinabang na sa kabutihan ng Diyos.  Kung tayo’y nagtamasa na sa mga pagpapala ng Diyos puede nating hindi kilanlin sa kanyang harapan ito ngunit ang hindi natin kaya ang daigin ang Diyos.

Ingratitude