Lay Formation Syllabus-Preaching . UCCP AKO

Lay Formation Syllabus-Preaching

PREACHING MINISTRY
(Crafted under NESTCON CSRD)

 

ANG PANGANGARAL


DESCRIPTION

Ang araling ito ay nagbabalangkas ng wastong  pamamaraan hinggil sa pagpaplano, paghahanda at pagbabahagi ng mensahe sa pulpito.

 

 OBJECTIVES:

  •  Mabigyan kaalaman ang bawa’t isa sa pangunguna ng pangangaral at paggawa ng sermon.
  • Matukoy ang mga wastong pamamaran ng pagbabahagi ng mensahe sa pulpito.
  • Makapaghanda ng isang mensahe at magkakaroon ng ebaluwasyon hinggil dito.

 

OUTLINE

  1. Ano ang Pangangaral?
  2. Uri ng Pangangaral
  • Hakbang sa Paggawa ng “Contextual” at “Expository” Sermon
  1. Mungkahing Balangkas ng Mensahe
  2. Paraan ng Paghahatid ng Sermon
  3. Mga Dapat at Hindi Dapat sa Pagbabahagi ng Mensahe
  • Paghahanda ng Sermon: Isang Workshop

 

REQUIREMENT

 Ang mag-aaral ay inaasahan na makabuo ng isang sermon na siyang gagamitin sa pamamahayag sa kaniyang iglesya lokal. Ito ay gagawan ng ebalwasyon.

 

 REFERENCES

  • Beker, N. V. Pitfalls in Preaching.
  • Kueper, P. Communication Theory in Preaching.
  • Toledano, J. C. & D. Romero. Biblical Preaching.

 

 PREPARED By:

Rev. Justiniano Camaclang

===========================================================


I. ANO ANG PANGANGARAL?

 Ang pangangaral ay isinasagawa na maging noong una pa mang panahon ayon sa tala ng Banal na Kasulatan.  Ito ay pagbabahagi ngmensahe o salita ng Diyos” sa mga tao. Ito ay isinagawa ng mga propeta sa panahon ng Lumang Tipan; ng Panginoong HesuKristo at ng kanyang mga apostoles sa Bagong Tipan; at ng mga pinuno ng simbahan  sa panahon ng pagtatag ng Iglesya hanggang sa ating kapanahunan. Ang Panginoong Hesus ay hinahangaan  ng mga tao sa paraan ng Kanyang pangangaral sapagka’t may “kapangyarihan kung Siya’y magsalita” (Lukas 4: 32).

Ganito ang inutos ng Panginoong Hesus sa Marcos 16:15 – At sinabi niya sa kanila, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ito ay isinagawa na ng mga mananampalataya, mga hari at mga propeta sa panahon ng Lumang Tipan. Halimbawa: si Noah (2 Peter 2:5); Jonas (Jonas 3:2); at Haring Solomon (Mangangaral 1:1). Sa aklat ng Jonas 3:4, natala ang pinakamakabisa subali’t pinakamaiksing mensahe na natala sa Biblia.

 

II. Kahalagahan ng Pangangaral

Kalooban ng Diyos na sa pamamagitan ng pangangaral mailalapit ang tao sa pagkakilala kay Kristo.  1Cor. 1:21 – “Sapagka’t yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Diyos sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Diyos na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral”.  

 Ang pangangaral ang instrumento ng Dios upang magkaroon ng pananampalataya ang isang tao ayon sa Rom 10:17: “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Kristo”.

 Ang mahalagang katungkulan ng isang mangangaral ay makita  sa sulat ni Pablo kay Timoteo sa  2 Timoteo 4:2:Preach the word; be instant in season, out of season (magmadali, pahalagahan ang bawat oras); reprove (magtuwid); rebuke (sabihin ang mali); exhort (magsalita para sa katotohanan) with all longsuffering and doctrine” (pagtiiisan at huwag sumuko).

Kinakailangan ang tapat na pagsunod, pananalangin, seryosong pag-aaral ng Biblia at pagpapasakop sa Espiritu Santo upang makapangaral tayo katulad ng mga propeta, ng mga apostol at ng Panginoong HesuKristo. May pagkakataon na mayroong masasaktan sa panahon ng ating pangangaral subali’t kailangan nating ibahagi ang katotohanan at ang kasalanan ay kasalanan ayon sa sinasabi ng Salita ng Diyos. Ang ating kapangyarihan ay hindi sa atin nagmula. Ito ay kaloob ng Dios sa atin maski tayo ay hindi karapat-dapat sa Kanyang harapan.

 

III. Mahalagang Sangkap ng Pangangaral

 Ang mahalagang sangkap sa pangangaral ay ang mga sumusunod, ayon sa Ezekiel 37:1 – 6

  • Una, pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos(t.1)
  • Ikalawa, ang pang-unawa sa mga aaralan (t.2)
  • Ikatlo, ang pagpapasakop sa pagiging maalam ng Diyos (Omniscient) (t.3)
  • Ikaapat, ang pangangaral (Prophesy- means to preach, proclaim/proclaim/tell them and make it known)

 

IV. Layunin ng Pangangaral

Rom 12:1: Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Diyos, na siya ninyong katampatang pagsamba”.

Rom 12:2: “At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos”.

 

V. URI NG PANGANGARAL

1. Paraang Topikal (Topical Preaching)

Ito ay pagpapaliwanag at paglalapat ng napiling paksa. Ang mga nilalaman at pagkakaayos ng mensahe ay nakabatay sa paksang napili at pinag-aaralan.

Ang sermong topikal ay karaniwang tumatalakay sa mga doktrina at pamumuhay Kristiyano, subalit ang mga naturang paksa ay masyadong malawak. Halimbawa nito ay ang paksa patungkol sa pananalangin. Mas mainam na gawin itong specific. Mas mainam na ganito ang maging paksa: “Ang Pananalangin ni Hesus” o kaya “Paano Tayo Mananalangin”. Karaniwan ding ginagamit ang sermong ito sa pagbibigay pansin sa mga kaganapang pangkalendaryo (calendar events): Christmas Day, Labor Day, Sunrise Service at iba pa.

 

2. Paraang Tekstuwal (Textual Preaching)

Ang sermon ay nakatuon sa iisang talata o kaya ay salaysay sa Kasulatan. Ito ay ang pagpapaliwanag at paglalapat ng napiling talata. Isinasaalang ng mangangaral sa paghahanda ng paraang ito ang uri ng pangungusap (grammar), kalalagayang historical at kalalagayang kultural. Halimbawa nito ay mga talatang katulad ng Juan 3:16, Roma 1:17, Galatia 1:6 at iba pa.

 

3. Paraang Eksposisyunal (Expository Preaching)

 Ang paraang ito ay nakutuon sa katuturuang nakapaloob sa isang maikling kabanata o kaya ay sa isang saknong. Ang pangunahing kaisipan at istraktura ng sermon ay nakabatay sa kabanatang pinag-aaralan. Dapat ingatan ng mangangaral na ang pag-aaral at pagbabahagi ng talata ay maging isang akademikong pagsasanay lamang bagkus dapat niyang pagtuunan ng pansin ang paglalapat nito sa buhay ng mga tagapakinig. Karaniwang halimbawa ng paraang eksposiyonal ay ang I Corinto 13:1-13 at ito ay  tinatawag na “Ang Kabanata ng Pag-ibig” (The Love Chapter).

Malaking bahagi ng Luma at Bagong Tipan ay kasaysayan. Ang mga kasaysayang o istorya ay naghahayag ng katotohanan tungkol  sa pagitan ng Diyos at tao, at ng tao sa kanyang kapwa o sitwasyon. Ang bawat istorya ay may senaryo, desenyo, aksyon at konsekwensiya. Napakahalagang magkaroon ng  pagsusuri sa talatang pinag-aaralan ayon sa kanyang kalalagayang historikal (historical context) at kalalagayang kultural (cultural context). Pinagtutuunan din ng ganitong pag-aaral ang pagkakagamit ng bawat salita sa kanyang konteksto. Ang ganitong pag-aaral at paghahanda ng mensahe ay tinatawag na eksposisyunal.

 

VI. HAKBANG SA PAGGAWA NG “CONTEXTUAL” AT “EXPOSITORY” SERMON

 Ang mga hakbang sa paggawa ng contextual at expository sermon ay ang mga sumusunod:

  1. Basihan ang teksto at sabihin sa isang salita o pangungusap ang tema ng sermon.
  2. Gawin tanong ang mga nakahandang bahagi ng teksto (ito ang magbibigay puntos sa iyong sermon).
  3. Magsalita tungkol sa kondisyon at isyung panlipunan.
  4. Tukuyin ang lebel ng pananampalataya at sector ng lipunang pinanggalingan upang matukoy ang mga interes ng tagapakinig.
  5. Magsalita rin ng mga kalooban ng tagapakining mo at magbahagi ng mga karanasan at mga pangangailangan.
  6. Pagsamahin o itampok ang mga batayan ng mensahe sa tatlong puntos.
  7. Gawing tularan ang mga mungkahing banghay ng sermon: introduksiyon, katawan at pagsasara.
  8. Balik-aralin ang nilalaman ng mensahe at magpraktis ng paghahatid ng sermon.

 

VII. MUNGKAHING BALANGKAS NG SERMON

1. Titulo o Pamagat

Ang titulo o pamagat  ay maikli ngunit malaman.

2. Teksto

Ito ang pinakamahalagang parte sa kabuuan ng mensaheng inihanda. Kagaya ng sinabi ni Ptr. Toledano at Ptr. Romero, “Kung wala kang teksto, wala kang mensahe; at kung wala kang mensahe, wala kang sasabihing mabuti”.

 3. Panibukas ng Sermon

Ang panibukas  ng sermon ay pagtawag ng pansin ng kapulungan at maaaring  sa pamamagitan ng tula, kuwento o pangyayaring napapanahon  na kaugnay sa tatalakayin mong mensahe at maaari ring isang tanong na sasagutin ng sermon iyong ipapahayag.

4. Katawan ng Sermon

Ang katawan ang siyang pinakasentro ng sermon; pinakamalamang bahagi ng sermon.

5. Konklusyon o Pagtatapos ng Sermon

Ito ang bahagi ng sermon na kung saan puwedeng lagumin ang mga mensahe . Dito rin dapat hamunin ang tagapakinig at magkaroon ng panawagan ng pagtangagap at panalangin ngpagpapatibay.

6. Ilustrasyon

Ang ilustrasyon ay nakatutulong sa pagbibigay liwanag sa sermon. Maaaring kuwento, tula o pangyayari na nagbibigay liwanag upang lalong maging maganda ang mensahe. Hindi kailangang marami ang ilustrasyon dahil baka matulad sa isang bahay na puro bintana.

 

VIII. Paghahanda ng Sermon

  1. Ang paghahanda ng sermon ay inihantulad sa isang kailangan mo. Dapat munang suriin bago ka magreseta o magbigay ng gamot.
  1. Isipin mo na ikaw as isang nars na nag-aalaga ng pasyente. Kailangan mong isangguni sa doctor bago magpa-inom o mag -injection sa pasyente. Tayo bilang lingkod ng Diyos, dapat munag sumangguni sa Kanya. Sang-ayon sa Kawikaan 3: 5-6Kay Yahweh ka magtiwala buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Siya ay sangguniin sa lahat ng mga balak at kanya kang itutumpak sa lahat mong mga balak”.
  1. Ihantulad mo rin ang iyong sarili isang kusinero. Kung di mo pa kabisado ang lahat na sangkap sa bawat lutuin, kailangan mong magtanong sa may alam. Sa 2 Tim. 3: 16, “Lahat na Kasulatang kinasihan ng Diyos ay magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan ng maling aral, sa pagtutuwid sa likong Gawain at sa pag-aakay sa matuwid na pamumuhay. Kailangan ang Biblia, Concordance, Bible Dictionary, commentary at  sermon illustrations.

Ayon kay San Pablo sa kanyang sulat sa 2 Cor. 3: 2 – 3, ang  sulat na nababasa ng lahat: “Nakikita sa buhay ng nagsesermon ang kanyang sinasabi.”

Ayon kay Gg. Becker, ang mabuti o mabisang sermon ay nasa pagpaplano at pagsasagawa. Kung maimtim kang nananalangin bago matapos ang isinagawa ang sermon , ito’y pinapatnubayan ng Banal na Espiritu.

Higit sa lahat, ang sermon ay galing sa Diyos, kaya’t walang makapagmamalaking sinuman.

 

IX. PARAAN NG PAGHAHATID NG SERMON

1. Pagbasa ng mensahe mula sa isang inihandang dokumento o “manuscript”

 Ang buong mensahe ay isinulat ng tagapagsalita at ibinibahagi sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagbabasa nito letra por letra.

Sa paraang ito, mas komportable ang tagapagsalita dahil nga alam niya kung ano ang kanyang sasabihin sapagka’t ito ay kanyang pinaghandaan o naplano na bago pa ibahagi. Tiyak niya na hindi niya ito malilimutan at panatag siya na ang mensahe niya ay eksakto at pulido. Tiyak niya na hindi siya lalampas sa oras at hindi siya magsasalita ng mahaba. Subali’t may bahaging hindi nakakabuti ang pamamaraang ito sa kadahilanang nawawalan siya ng “eye contact” sa mga tagapakinig. Iyo ay isa sa mga mahalagang aspeto upang makuha niya ang atensyon ng mga tagapakinig. Nababawasan din ang kanyang pagkakataon na maipakita sa pamamagitan ng kanyang pagkilos ang diin at puwersa ng salita. Ginagawa nitong masyadong pormal ang mensahero at nawawalan na siya ng puwang upang bigyang laya ang kanyang isip at emosyon sa panahon ng pagmemensahe.

2. Biglaang paghahatid ng sermon/”impromptu”

Ang pagmemensaheng ito ay isang paraan na kung saan ang mensahero ay biglaang magbibigay ng sermon kahit wala siyang pormal na pag-aaral o pormal na paghahandang isinagawa patungkol sa paksang kanyang ibabahagi. Ang mensahero ay maaaring may ideya o kabatiran patungkol sa paksa subalit ang gagamitin niyang salita at nilalaman ng mensahe ay nakasalalay sa suhestyon ng kanyang isip sa mismong pagkakataon.

3. Pagbabahagi ng ng sinaulong sermon

Una, ang mensaheng ito ay nangangailangan ng masusing preparasyon at pagsusulat ng kabuoang mensahe. Pagkatapos, ito ay ibabahagi letra por letra sa pamamagitan ng pagmememorya ng nasabing mensahe. Ang tanging kagandahan nito sa tagapagsalita ay ang katiyakan na ang mensahe ay kumpleto, maingat at maganda niyang maibabahagi, iyon ay kung hindi nga niya ito malilimutan o wala nga siyang makakaligtaan. Sa kabilang banda, ang mensahero ay nangangailangan ng mas maraming oras sa pagsasaulo ng kanyang semon. Dahil sa ang kanyang layunin ay hindi niya ito malimutan, ang karaniwang laman ng kanyang isip ay kung ano ang mga susunod niyang sabihin na nagiging dahilan na hindi maging natural ang kanyang pakilos o hindi nagiging totoo ang kanyang pagkilos.

 

X. MGA DAPAT AT HINDI DAPAT SA PAGBABAHAGI NG MENSAHE

  1. Ang isang mensahe ay dapat na tumatagal lamang ng hindi bababa sa 20 minuto at hindi naman lalampas ng 30 minuto. Orasan ninyo ang paghahatid ng sermon sa panahon ng praktis.
  2. Bantayan ang mga ”mannerism”, tulad ng hand and face gestures.
  3. Magbihis ng presentable at kagalang-galang at iwasan ang mga abubot na makakaagaw lamang ng atensyon ng mga tagapakinig katulad ng mga kuwintas, mga bracelet at kung anu-ano pa.
  4. Huwag gumamit ng “holy tone”; gawing natural ang boses.
  5. Magkaroon ng kontak sa mga tagapakinig.
  6. Sikaping nakikita ng lahat sa panahon ng pagmemensahe.
  7. Tiyaking naririnig ka ng lahat, at huwag ibaba ang tinig sa huling bahagi ng pangungusap.
  8. Huwag himingi ng paumanhin sa mga kakulangan.
  9. Gumamit ng lengguwaheng kanilang nauunawaan.
  10. Igalang ang mga naging sulat, salita, pangungusap ng ibang tao sa pamamagitan ng pagsambit ng pinagmulan ng pangalan o grupong may akda ng mga sinabi o kataga.
  11. Maging disiplinado, preparado at sanayin ang sarili sa pagmemensahe.
  12. Tandaang ikaw ay isang mensahero ng Diyos at hindi isang entertainer o

 

 XI. PAGHAHANDA NG SERMON: ISANG WORKSHOP

  1. Magrekomenda ng titulo ng mga sumusunod na teksto:
  • Genesis 12:1- 3
  • Exodux 15:23–25
  • Matthew 14:22–23
  • Isaiah 49:15
  • Luke 4: 18-19
  1. Pumili ng isang teksto sa No. 1 at gumawa ng isang mensahe na may

panibukas, katawan at konklusyon.

 

SERMON EVALUATION

 PANGALAN NG NAGHATID NG MENSAHE:

ORAS NG SIMULA:

ORAS NG PAGTAPOS: 

PANUKAT – Napakahusay-5     Mahusay-4     Katamtaman-3     Pagbutihin pa-2     Mahina-1

 

NILALAMAN: (content)

  1. Ang mensahe ba ay tapat sa aral ng Biblia (Biblikal ba ito?)­­­ ____
  2. Ang paksa ba ay natalakay na mabuti o napalayo ang mensahe sa paksang dapat talakayin. ____
  3. Ang mga puntos bang ibinahagi ay kaugnay ng pangunahing paksa? _____
  4. Ang panimula ba ng mensahe ay akma sa paksang tinatalakay? _____
  5. Ang konlusyon /kwento at ilustrasyon ba ay nagbigay linaw sa paksa o katotohanang tinalakay?__________

PAGBABAHAGI: (delivery)

  1. Nakuha ba ng mangangaral ang atensyon ng tagapakinig? ____
  2. Nagpakita ba siya ng kapakumbabaan gayundin kapakumbabaan? ____
  3. Naging akma ba ang kanyang pagpapatawa at hindi naging entertainment lamang ang kanyang pagbabahagi? _____
  4. Natiyak ba na naririnig ng lahat ang kanyang boses? _____
  5. Mayroon ba siyang sapat na “eye contact “ sa mga tagapakinig. _____
  6. Ang kanya bang mga kilos (gestures) ay nakaambag sa pagbibigay ng diin sa mga puntos na ibinahagi? ____
  7. Ang kanya bang boses ay sobrang hina, sobrang lakas o sapat lamang sa mga tagapakinig? ____
  8. Ang bihis ba niya ay kaaya aya? _____
  9. Sapat ba ang pagkakagamit ng oras, hindi masyadong mahaba o hind naman masyadong maikli?_______

 

KAGYAT NA EPEKTO SA TAGAPAKINIG (impact to listener)

  1. Naipadama ba ng tagapagsalita ang presensiya ng Dios sa panahon ng pagmemensahe? _____
  2. Naghatid ba sa iyo upang magbago o kumilos ang mensaheng napakinggan? _____
  3. Nagbigay ba ng kapurihan sa Dios ang mensaheng napakinggan? Si Kristo ba ang itinias at hindi ang sarili.  _____

Buod: Sa isang pangungusap,  ano ang buod ng mensaheng napakinggan?

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Rekomendasyon:

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

 

Pirma ng nagbigay ng ebalwasyon:

 

_____________________________

Leave a Comment

shares