November 12, 2017-Kaayusan ng Pagsamba

Stewardship Month

The United Church of Christ in the Philippines affirms its historic faith and its pastoral and prophetic witness in the life and culture of the Filipino people.  The Church supports the people’s aspirations for abundant life and holistic redemption from all forms of bondage, in accordance with the vision of the reign of God.  UCCP Constitution and By-Laws, Article 1, Section 8

=========================

Theological Education Sunday
12th Sunday in Kingdomtide

Color                      Green

Texts:

1Kings 17:8-16
1Kings 17:8 And the word of the LORD came unto him, saying,
1Ki 17:9 Arise, get thee to Zarephath, which belongeth to Zidon, and dwell there: behold, I have commanded a widow woman there to sustain thee.
1Ki 17:10 So he arose and went to Zarephath. And when he came to the gate of the city, behold, the widow woman was there gathering of sticks: and he called to her, and said, Fetch me, I pray thee, a little water in a vessel, that I may drink.
1Ki 17:11 And as she was going to fetch it, he called to her, and said, Bring me, I pray thee, a morsel of bread in thine hand.
1Ki 17:12 And she said, As the LORD thy God liveth, I have not a cake, but an handful of meal in a barrel, and a little oil in a cruse: and, behold, I am gathering two sticks, that I may go in and dress it for me and my son, that we may eat it, and die.
1Ki 17:13 And Elijah said unto her, Fear not; go and do as thou hast said: but make me thereof a little cake first, and bring it unto me, and after make for thee and for thy son.
1Ki 17:14 For thus saith the LORD God of Israel, The barrel of meal shall not waste, neither shall the cruse of oil fail, until the day that the LORD sendeth rain upon the earth.
1Ki 17:15 And she went and did according to the saying of Elijah: and she, and he, and her house, did eat many days.
1Ki 17:16 And the barrel of meal wasted not, neither did the cruse of oil fail, according to the word of the LORD, which he spake by Elijah.

Luke 10:25-37
Luk 10:25 And, behold, a certain lawyer stood up, and tempted him, saying, Master, what shall I do to inherit eternal life?
Luk 10:26 He said unto him, What is written in the law? how readest thou?
Luk 10:27 And he answering said, Thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy soul, and with all thy strength, and with all thy mind; and thy neighbour as thyself.
Luk 10:28 And he said unto him, Thou hast answered right: this do, and thou shalt live.
Luk 10:29 But he, willing to justify himself, said unto Jesus, And who is my neighbour?
Luk 10:30 And Jesus answering said, A certain man went down from Jerusalem to Jericho, and fell among thieves, which stripped him of his raiment, and wounded him, and departed, leaving him half dead.
Luk 10:31 And by chance there came down a certain priest that way: and when he saw him, he passed by on the other side.
Luk 10:32 And likewise a Levite, when he was at the place, came and looked on him, and passed by on the other side.
Luk 10:33 But a certain Samaritan, as he journeyed, came where he was: and when he saw him, he had compassion on him,
Luk 10:34 And went to him, and bound up his wounds, pouring in oil and wine, and set him on his own beast, and brought him to an inn, and took care of him.
Luk 10:35 And on the morrow when he departed, he took out two pence, and gave them to the host, and said unto him, Take care of him; and whatsoever thou spendest more, when I come again, I will repay thee.
Luk 10:36 Which now of these three, thinkest thou, was neighbour unto him that fell among the thieves?
Luk 10:37 And he said, He that shewed mercy on him. Then said Jesus unto him, Go, and do thou likewise.

 

KAAYUSAN NG PAGSAMBA

Ang Pagpupuri at Pagsamba

PAMBUNGAD NA TUGTUGIN (dadako sa unahan ang mga tagapanguna sa pananambahan)

TAHIMIK NA PAGBUBULAY-BULAY:
“The deepest level of worship is praising God despite of pain, thanking Him during trials, trusting Him when tested, surrendering to Him while suffering, and loving Him when He seems distant.” (+Z.Ergimeti)

AWIT NG PAGPUPURI                             Ating Purihin                          HOFJ # 6

Ating purihin, ating purihin ang Dios na dakila
Pagsamba ay ialay, umawit ang madla;
Ang pangalan, ang pangalan N’ya ay laging ibandila
Purihin sa langit! Purihin sa lupa!

Ang pagpapala, ang pagpapala ng Diyos ay hanapin
Maglingkod na palagi’t ang aral N’ya’y sundin
Ang pag-ibig, ang pag-ibig N’ya ay lagi siyang dalhin
Biyaya ng buhay ang ating kakamtin.

Buong tiwala, buong tiwalang buhay ay ialay
Ang lahat ay ilagak sa Kanyang kandungan.
May biyaya, may biyaya S’yang sa ati’y iaalay
Purihin S’yang lagi, purihin kailan man!

TAWAG SA PAGSAMBA

Patnugot  Purihin natin ang Dios sa ating mga karanasan na may kagalakan, sapagkat ang Kanyang pakikipisan ay nagapapahayag  ng kasiyahan sa ating mga buhay.

Kapulungan  Purihin  natin ang Panginoon sa ating pagkakaisa at pag-iibigan, sapagkat ipinakita at ipinadama  Niya sa atin ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 

Patnugot Sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang Theological Education Sunday bilang pasasalamat at pagkilala sa mga tinawag ng Dios na magtalaga ng sarili at mag-alay ng buhay upang maging mga lingkod ng Diyos.

Lahat  –  Sa ating Dios ang kapurihan at kadakilaan, ang karunungan at pasasalamat, ang karangalan at kaluwalhatian, ang kalakasan at kapangyarihan, magpakailanman!

PANIMULANG PANALANGIN                                                                      Patnugot

TUGONG AWIT                                                 As We Gather

Sa ‘ming pagsasama-sama ay kasihan, Sa ‘ming pagsamba nawa’y mapapurihan
At sa aming pagdalo’y pagpapalain, Ang mga buhay namin, O Dios, dakila Kang tunay.

Ang pag-ibig Mo, O Dios, ay walang hanggan, Kalinga Mo ay laging ibinibigay,
At ito’y laging bago, sa bawat araw, Dakila Ka, O Dios, tunay; Dakila Kang tunay.

 ANG PAGSISIYASAT NG MGA SARILI

ANG PANAWAGAN PAGSISISI  

Patnugot Lumapit tayo sa ating banal na Dios nang may pananampalataya, at sa kapakumbabaang-loob ay kilalanin natin ang ating mga pagkakamali, pagkukulang at kasalanan.

Lahat  Maglaan tayo ng katahimikan at makinig sa Espiritu Santo; tayo ay magpanibagong-lakas at sigla, at mabuhay sa pamamatnubay Niya. 

TAHIMIK NA PAGSUSURI NG SARILI AT PAGSISISI   (mahinang tugtugin)

PAGTANGGAP NG PAGPAPATAWAD AT KAGANDAHANG-LOOB NG DIOS                

Pastor Kung wagas ang ating puso na talikdan ang ating mga kasalanan, ang Dios ay tapat upang tayo’y patawarin at linisin sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo.  Sumaatin at manatili tayo sa kapayapaang dulot ng kapatawarang ito. Amen.

TUGONG AWIT:                                   Salamat Aking Jesus        

Salamat, O aking Jesus, sa kalul’wa ko’y pagtubos
Salamat sa pagdudulot, ng kaligtasang laya’t puspos.  Amen.

MGA BALITA AT MALASAKIT NG IGLESIA                                         

PAGBABATIAN NG KAPAYAPAAN AT PAG-IBIG NG DIOS

PANALANGING PASTORAL                                                                            

AWIT NG KAPULUNGAN                              Ang Taos Pusong Dalangin    MASP #126  

Ang taos pusong dalangin, Sa Dios lubhang mahabagin
Ay s’ya nating dapat gawin, Pagpapala ay kakamtin.
Ipamagitan kay Jesus, Ang ating mga pagluhog;
Tutugunin tayong lubos, Puso nati’y malulugod. Amen!

HANDOG NA PAGPUPURI NG MGA BATA                                                         

ANG KAPAHAYAGAN NG SALITA NG DIYOS

ANG PAGBASA MULA SA LUMANG TIPAN                       1 Hari 17:8-16

GLORIA PATRI                

Ang Ama’y papurihan at ang Anak at ang Espiritu
Buhat pa sa unang-mula, ngayo’t magpakailanman,
Walang hanggan, Amen, Amen.

”ANG PAGBASA MULA SA EBANGHELYO                                     Lukas 10:25-37            

ANG MENSAHE SA AWIT                                                                                                     

ANG MENSAHE SA SALITA                         

ANG PAGHAHANDOG NG MGA KALOOB

TAWAG SA PAGHAHANDOG 

Patnugot – “Nasa tao ang pag-iisip at pagbabalak, ngunit ang tagumpay ay sa Dios nagbubuhat.  Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon, Dios lang ang nakatatalos.”  (Kawikaan16:1)

Kapulungan –  Itiwala mo kay Yahweh ang iyong gagawin at magtatagumpay ka sa lahat mong layunin” (Kawikaan16:3)  

Lahat– Ating ipagkatiwala sa Dios ng may kagalakan at pagtatapat ang bunga ng ating mga tinatangkilik.

PAGHAHANDOG NG MGA PANGAKO AT IKAPU

DOXOLOGIA  (AIK # 87)

Purihin ang Dios ng awa, Kristo’t Diwang mapagpala.
Magpuri ang taong madla, sa Dios ng langit at lupa. Amen.

PANALANGIN NG PASASALAMAT     

ANG PAGTATALAGA NG MGA SARILI

AWIT NG PAGTATALAGA                   Pastor Kang Aming Patnubay   MASP #35
(Kasabay ang Pag-aalay ng Special Offering para sa Theological Education)

Pastor Kang aming patnubay, lingap mo’y kailangan;
May pagkain sa pastulan, kapahingaha’y alay. 
O Jesus na mapagpala, binili kaming kusa;
O Jesus na mapagpala, binili kaming aba.

Gawin kaming kaibigan, sa daan ay akbayan;
Iligtas sa kasalanan, hanapin kung maligaw. 
Mapagpala naming Jesus, dinggin ang aming luhog. 
Mapagpala naming Jesus, dinggin ang aming luhog.

Pagsang-ayon Mo’y hanapin, kalooban Mo’y sundin. 
Ang dibdib namin ay punuin, ng banal Mong paggiliw. 
Mapagpala naming Jesus, lubusin ang pag-irog. 
Mapagpala naming Jesus, lubusin ang pag-irog.

ANG BENDISYON AT PAGHAYO                                                         

TATLONG AMEN