Pagkakatiwala ng Pamilyang Kristiyano Para Itaguyod ang Misyon ni Kristo . UCCP AKO

Pagkakatiwala ng Pamilyang Kristiyano Para Itaguyod ang Misyon ni Kristo

Ito ang pagninilay mula sa isang layko na kanyang ibinahagi sa naganap na Family Festival noong December 1, 2018 sa PASEO Rizal, Morong, Rizal.

Siya ang napiling magbahagi ng Biblico-Theological Reflection sa harapan ng mga tagapakinig na mahigit limang daang katao galing sa mga Iglesia Lokal, Nananambahang Kapulunga, at mga Mission Outreaches mula sa probinsiya ng Laguna, North Quezon at Rizal.

Si Noel Duhaylungsod ay isang kilalang scientist na naglilingkod sa Institutional and Policy Development Expert at Government of the Philippines/United NationsRegion IVA – Calabarzon, PhilippinesEnvironmental Services

Family Festival 2018: “Pagkakatiwala ng Pamilyang Kristyano para Itaguyod ang Misyon ni Kristo” [Ang Sambahayang Kristyana ay Mabuting Katiwala ni Kristo: Isang pagninilay ng tema ni ncduhaylungsod 011218]

“O gracious God, behold your people. You have called us to remain in covenant with you and with one another. From the beginning, you have always been the solid foundation of the Church. Your providence has been our shelter in the storms of life; your strength our stay as we pursue the vision of our founding parents for a united and uniting, reformed and transforming Church.

You have given us a diversity of heritage in our union – which has enriched our capacity for witness and reconciliation as a community of faith.
As we renew this covenant, may your Spirit guide us into greater sensitivity, openness of hearts and minds, and a truly creative response to the challenges of our time; may the guidance, blessing and the empowering presence of your Son, Jesus Christ, be upon us, even as we strive to be faithful to the true spirit of the covenant we today have forged anew.

Grant, we beseech you, O God, that this symbol of our resolve for greater service may be accompanied by your most assuring love and mercy. To you alone we give glory and honor, knowing you are the Author of all perfect wisdom and truth. In Jesus’ name, we pray. Amen. (CBL, 2015)” 1.0

1.0 Introduction

Noong ako ay pinadalhan ng paanyaya-text ni Pastor Jimmy ng UCWO ay tulad ng dati ay excited ako at sinabi kaagad na okay sa kanya. Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik sa akin ang mga pagkukulang ko bilang katiwala kung kaya ay nagbuo ng text na uurong sa invitation.

Ngunit naisip ko rin ang trust at confidence ng UCWO sa akin na dapat kong pagkatiwalaan. Hindi na natuloy ang pagpadala ng agam-agam sapagkat ibig kong maging public confession din ang pagninilay na aking gagawin.

Sa maraming pagkakataon ay napapatingkad na institutsyunal ang pagiging katiwala bagaman ito naman ay bahagi ng tipanan ng pagkakatiwala. May mga pundamental na mga detalye ng tipanan ng pagkakatiwala na naisasantabi dahil sa pamamayani ng pansariling pagtutuwid ng kamalian o pagpupuno ng kakulangan.

Sa konteksto, may pauna akong pagtanaw na simula’t sapul ay naituring ng Diyos ang kanyang katiwala na mabuti at ang Kristyanang Sambahayan ay palagian na napapanahong pagkakatiwala. Mula sa paglikha ng mundo ay naroon na ang panahon ng pagkakatiwala.

Samakatuwid, ang Katiwalang Kristyana ay hindi maging mabuti upang isagawa ang misyon ni Kristo bagkus ay ito ay isang worldview o spiritual state of being in Christ as indwelled by the Holy Spirit. Isang spiritual at banal na tipanan ang ating response sa panawagan ng Diyos na ang mga magkaibang Kristyanang tradisyun ay maging isang Sambahayang Kristyana noong 1948.

Sa unahang panalangin ng ating CBL ay dama ang presensya ng Diwang Banal. Subalit sa loob ng maraming taon ay may nawalay sa panalangin ng Sambahayang Kristyana ni Kristo. Hindi utilitarian ang tingin ko sa pagiging katiwala sa unang aklat na Genesis at patuloy itong pinayabong sa Leviticus 27:30 at sa Matthew 23:23-24 na mga teksto natin ngayong Family Festival.

Kaya kung inyong mamarapatin ay binigyan ko ng tweaking ang tema na “napapanahong magsisi, humingi ng tawad, magtuwid, at magbago ng pagiging Katiwalang Mabuti ang Sambahayang Kristyana ni Kristo.”

2.0 Pundamental na Biblical stewardship

Ang malimit na pagkaunawa ng pagiging katiwala ay budget ng Iglesya, pang tustos ng programa, church building construction, transporation cost, atbp. May paglalagom na ang pagiging Kristyanang Katiwala ay may batayang prinsipyo1 na sumusunod:
 Ang lahat ng naroon sa sanlikha ay sa Diyos (Awit 24); pinapagamit at pinapamahalaan sa atin ang mga ginawa Niya para sa kasiyahan ng mananampalataya. Wala tayong kapangyarihan o karapatan na maipamahagi (appropriate) upang maisulong ang pansariling kapakanan. Bagaman ang sariling lakas ay makakagawa ng kayamanan ay alalahanin natin na ang Diyos ang nagbigay ng lakas upang makagawa ng yaman (Deuteronomy 8:17-18);

 Responsibilidad natin kung paano gamitin ang sanlikha. Ating responsibilidad din ang sumunod sa tipanan ng responsableng pangangasiwa;

 Pananagutan (accountability) natin ang kahinanatnan ng pangangasiwa ng sanlikha. Ang Kristyana ay katiwala ng mga likas yaman, kapasidad, at mga pagkakataon na ipinagkatiwala ng Diyos. Tiyak na darating ang oras ng pagtutuos ng pananagutan kung paano napangasiwaan ang inihabilin na sanlikha kabilang na rito ang ating oras, pera, abilidad, impormasyon, karunungan, relasyon, at kapangyarihan; at

=========================
1 Whelchel, H. 2018. ‘Four Principles of Biblical Stewardship.’ http://tifwe.org/how-to-be-productive-in-2014/. Institute for Faith, Work & Economics, IFWE Blog citing B. Peel, ?. ‘Leadership is Stewardship.’ The High Calling.? (there is so much informalities and arbitrarinies in internet citations, sorry; but the idea is good).
=========================
 Ang pabuya (reward) na mana ay mula kay Hesus (Mateo 25:21), samakatuwid ay pangunahin ang pabuyang kasiyahan na kaisa natin siya pagkaraang manilbihan sa nakakarami na kamanlikha ng kaharian ng Diyos. Ang magkakawing na batayan mula sa Bibliya ay malawak ang saklaw ng kahulugan ng Mabuting Katiwala ni Kristo. Pakatandaan na dalawa ang tungkol sa focused participation natin bilang katiwala, ang maging responsableng katiwala at katiyakang magbibigay tayo ng tuos ng ating pangangasiwa sa Diyos na maghuhusga kung kaisa natin siyang kamanlikha ng kanyang Kaharian.

Sa pagpipinu ay isang bahagdan lamang ang ‘utilitarian message’ ng isang Kristyanang Katiwala. Kung ang kalooban ng nangangasiwang katiwala ay mabuti ay tiyak na siya ay kamanlikha ni Kristo. May kahalintulad (parallelism) ito sa mga developmentalists, na ang imeno-modelo na kaunlaran ay yaong mga taong nagkaisa na gumagampan para sa kabutihan ng nakakarami at hindi ang teknolohiya o kita ng kaunlaran.

Ang moral formation ay foremost sa mananampalataya. Dumako tayo sa isang buod ng pagninilay, ang Mabuting Katiwala na Sambahayang UCCP, ang Iglesyang pinagkaisa ng Diwang Banal.

3.0 Sambahayang UCCP: Moral Formator ng Pagiging Katiwala ni Kristo

Ang Iglesyang UCCP ay tipanan ng moral servitude sa iisang Diyos ng buhay. Ibinigay niya ang UCCP at inaasahan na ating alagaan at payabungin upang maisagawa ng masinop na may kasiyahan ang misyon ng Hesus.

Sa pamamaraang consistent o alinsunod sa pamantayan ng tipanan ng stewardship ay aalalayan tayo ng Diwang Banal upang ang mga ito ay bumunga na mas marami pang Katiwalang Kristyana. Ang pagiging katiwala ay isang moral servitude na ipinapaloob natin ang sarili sa institusyong nangunguna ng paghubog ng moral values ng kasapian.

Magagawa ito kapag ipinagpaloob ang sarili sa Kanyang kapangyarihan na patuloy na paglikha ng bagong langit at lupa.

(a) Tipanan ng Paghubog ng Moral Stewardship
Ang paghubog ng moralidad ay tungkol sa pagpalaki o pagpalago ng karakter at pangasiwa na may kinalaman sa katauhan (being) at paggawa (doing) tulad ng paano mag decide at ano ang gusto na maging at kung paano gawin. Proseso ang kailangan nito kung kaya ay mahalaga ang palagiang pagaruga at pagpalaganap ng Iglesya ng moral values ng kaaniban bilang Sambahayan ng Mananampalataya na isinasabuhay ang Kristyanang values sa pamayanan. Sa ganitong pagtanaw, ang “ethos of the household of faith … is the way of life, the distinctive patterns of thinking, feeling and acting.” Ilang karakter ng Sambahayang Kristyana ay nakalista:
 Lokal na Iglesya, kongregasyon, outreach, at ang kalakhang ecumenical at universal catholic church na nakapaloob sa Tatlong Personang Diyos.

 Ang Sambahayan ay saksi sa reyalidad ng ekonomiya, politika, ekolohiya, at pamamalakad ng lipunan na namamayani ang kahirapan, panggigipit, pangexpolit, at karahasan na taliwas sa kaharian ng Diyos.

 Kontekstong sosyal at cultural na siyang substrate ng paghubog ng moralidad ng kaaniban. Ang mga pamilya sa Iglesya ay ang pinagkukunan nitong paghubog ng pananampalataya at kaayusan.

 Ang Kristyanang ethos ay nangangahulugan na ang relasyon ng mga kaanib ay covenantal na makita sa kanilang pakikibahagi sa buhay at misyon ni Kristo; ang estrukura at proseso ng pangangasiwa ng kaaniban ay tukoy nito upang magkaroon ng oportunidad na lumago ang mga talento ng bawat isa.

Ang alagad ng Diyos ay namumuno sa paghubog ng Moral Stewardship sa kaniban ng Iglesya at ng pamayanan. Ibig sabihin na may moral leadership ang Iglesya. Sa patuloy na pagninilay tungkol sa Mabuting Katiwala ay makita sa Luke 12:42-48 ang ilang kasagutan (read). Sa teksto sa Greigo ang katiwala ay ‘oikonomos’ o ekonomista. Siya ay housekeeper, administrador, at manager ng ekonomiya ng sambahayan. Ang katangian ng Mabuting Katiwala na habang responsable ay ‘theonomous’ na ibig sabihin ay nakuha siya ng responsibilidad, respeto, at dignidad mula sa pagiging alagad ng Diyos. Mas dumarami ang kanyang makayanang gampanan sapagkat siya ay responsableng katiwala. Ganito ang ipinamuhay ni Kristo.
 Responsable siyang mapanatili at mapayabong ang sambahayan sa ngalan ng mayari.

 Tapat ang katiwala sapagkat inaaruga ang mga taong nasa kanyang responsibilidad; binibigyan nito ng pagkain, seguridad, at yaman sa takdang panahon.
=========================
2 Best, T. and M Robra (eds.). 1994. Ecumenical Ethical Engagement, Moral Formation and the Nature of the Church. ‘Costly Commitment.’ Tantur Ecumenical Institute. Ecclesdiology and Ethics. Israel. p43.
3 Stückelberger, C. and J. Mugambi, 2007. Responsible Leadership: Global and Contextual Perspectives. Globetthics.net Series No.1. Geneva.
========================

 Mabuting pinuno siya na may karakter na magsilbi, masipag, at isang ehemplo ng natatanging work ethic.

 Matalinong alagad na responsableng gumagawa sa bawat aspeto at oras ng kanyang buhay; alam nito na ano mang panahon ay darating ang kanyang Panginoon; ang kanyang tugon sa Diyos ay naka integrate sa araw araw ng buhay.

Tayo ang mga bisita na inimbitahan ng Diyos na mayari ng sanlikha. Dangan nga lamang ay ang negatibong attitude ng sanlibutan ay humahantong sa kasiraan at kamatayan. Ang alay sa sanlibutan ay ganap at kasiya siyang buhay. Ito ay pangako na ang pinakamainam na response ay kasiyahan, pagpupuri, at pasasalamat bilang imbitadong bisita. Ang pagiging bisita sa sanlikha ay magamit na pundasyon ng pangkomunidad na kaunawaan ng responsableng pamumuno. Ang hospitalidad na mayron ang sanlikha ay nagsasaad ng response na ayon sa inog ng kabutihan.

(b) Ang UCCP ay tipanang institusyunal ng moral stewardship

Ito ay nakalahad sa Sections 2,4,9 & 12 ng Article II CBL. Apat ang direktang tinukoy na pangasiwaan,
(i) Pamanang Protestante,
(ii) Pahayag ng Pananampalataya,
(iii) Responsableng Kristyanang Katiwala ng ikapu, oras, talento, ari-arian, at ang
(iv) Ekolohiya.

Section 2. The United Church of Christ in the Philippines affirms its Protestant heritage as a reformed and reforming church. (GA 2002-41, Baguio City, 20-26 May 2002).

Section 4. The doctrines and beliefs of the United Church of Christ in the Philippines are based on the Word of God as revealed in the Holy Scriptures and articulated in the historic Christian creeds, expressed in the diverse heritage of faith and practice brought into the union by its uniting Churches, and embodied in its Statement of Faith.

Section 9. The United Church of Christ in the Philippines advocates vigorous Christian stewardship expressed in the cheerful giving of tithes, time, talents and possessions. The United Church of Christ in the Philippines shall observe responsible Christian stewardship by utilizing the properties under its care towards self-reliance and support of its various ministries. (GA 2002-42, Baguio City, 20-26 May 2002)

Section 12. As steward of God’s creation, the United Church of Christ in the Philippines shall protect, promote and enhance the ecological balance and the integrity of creation, (Article II, CBL, 2015).”


(i) Pamanang Protestante4
Ang prosesong kasaysayan na dinaanan ng UCCP bago pa man naging kaisahan ay nagsimula noong 1898 ng idaos ang unang Protestanteng pananambahan. Mga Metodista at Presbyterians ang nagumpisa ng Protentastismo sa Pilipinas mula ng sinakop ng USA ang Pilipinas.

Sunod sunod na rito ang pagpasok ng mga Iglesya at misyonero na sa karamihan nila ay nakita na kailangang pagisahin (union, 1901) upang suminop ang pagkumberte ng mga Pilipino sa Protestantismo. Ang usaping pagkakaisa ay bumunga ng dokumentong Batayang Kaisahan (Basis of Union) noong 1924-1929 at itinayo ang unang nagkaisang mga Protestanteng Iglesya.

Dumaan pa ang 14 na taon (1943) bago mabuo ang kaisahang Protestante na pinangunahan ng mga Pilipino. Subalit, inabot pa ng apat na taon muli ng pinagkaisahan ang 1947 Batayang Kaisahan na naging tipanan ng 1948 UCCP. Hanggang 1956 ang mga programa ay misyon, ebanghelismo, medical, pampublikong welfare at edukasyong Kristyana.

Binalangkas at pinagkasunduan ang CBL 1956-1960 ngunit naribesa ito ng 1972-1974 upang paghandaan ang mawawala na banyagang suporta.
Nakakapanghinayang lamang nitong karanasan kasi ibig sabihin ay mula 1900s hanggang 1970s ay hindi tumining sa Iglesya ang usaping kasarinlan.

Ang 1943 na effort ay limitado ang saklaw ng kasarinlan ng pamamalakad. May pagkukulang din ang 1972 na pagbabago ng CBL dahil lamang wala ng suporta mula sa banyaga sapagkat mas theologically founded pa dapat ang batayan ng pagbabago.

Sa pagwawasto ay itinayo ang 1978 Faith and Order Committee at ito’y nagpatuloy kung kaya ay 1982-1986 Statement of Faith ay nabuo at pinagkaisahan ng lubusan. Nabuo din ang lehitimong doktrina ng UCCP.

Fast track: 2015 CBL at mga amendments until 2018; 1992 SOF; bureaucracy Alam natin ang aktibong pagganap ng Iglesya sa iba’t ibang larangan ng lipunan at consistent na pinamumunuan ang pagtuwid ng kamalian at pagpigil ng kasamaan.

Baligtad nga ang argumentong balakid ang kasalatan sa materyal dahil sa kasapatan at kasiyahang isinasagawa din ang misyon ni Kristo ng Sambahayang Kristyana. Ganito maisalarawan ang pamanang Protestante na ating pagkatiwalaan.

Hindi theologically archaic ang dalanging “give us this day our daily bread” sapagkat kailanman ay walang napapabayaan na mananampalataya. Ang materyalismong lumalaganap ay transitory ng pagdausdos ng pananampalataya.
4 A Historical Sketch of the United Church of Christ in the Philippines. 2018. UCCP website.
7/11
(ii) Ang Pahayag ng Pananampalataya Ang Mabuting Katiwala ay pinangangasiwaan ang spiritual resources ng Iglesya. Pangunabing papel sa responsibilidad ay ang mga Pastor bagaman ay hindi magagawa kung wala roon ang integral role ang kaaniban na kabalikat sa pangangasiwa. Ang spiritual stewardship5 ay handog at talento dahil:

 Inaalagaan ang tapat na interpretasyon ng Bibliya at huwag gawing instrumento na maisulong ang ilang kaisipan at interes;

 Inaalagaan ang nanglulupaypay dahil sa institusyunal na rekisitos;  Inaalagaan ang mahihina upang hindi maisantabi;

 Patnubay sa komunidad sa paghubog ng prophetic sensitivity upang malaman ang mabuti at false prophets, mabuti at masamang espiritu, buhay at mapanira ng buhay;

 Maipamuhay ang kaayusan batay sa ethos ng Iglesya;  Magsilbi sa pagkakaisa ng kumonidad ng mananampalataya;

 Magbahagi ng espirituwal na kakayahan sa pamamagitang pagtanggap na ang Diwang Banal ay nasa kalagitanaan ng lahat.

Ang doktrina ng UCCP (Pahayag ng Pananampalataya) ay tipanan natin sa Diyos at sa bawat isa. Ito ang nagbubukod sa atin bilang Iglesya na pinamamahalaan ng isang kaunawaan sa Diyos, paninindigan sa buhay, at paggawa ng bagong langit at lupa, bilang Sambahayan ng Mabuting Katiwala ni Kristo. Nakabatay sa Bibliya at sa Pahayag ang pagkakabuo ng UCCP CBL na requirement bilang Iglesyang institusyon sa lipunan. Sa Pahayag din nagmula ang VMG ng Iglesya. Tuwi tuwina ay kolektibong binabago ang mga patakarang nagpapatupad (kasama ang proseso) ng goals depende sa pangangailangan ng panahon. Ang kahalagahan nitong Pahayag ng Pananampalataya ay pangita sa pagbigay ng tatlong taon (Phase 1) na lingguhang pagaaral nito simula 2018. Isinasabuhay at inaangkop ang
kahulugan nito sa kaaniban at sa pamayanan. Liban sa pagtangkilik ay pinagkatiwalaan natin ang ating pananampalataya sa Diyos.

(iii) Responsableng Katiwala6 May partikular na kahulugan ang maging UCCP na Responsableng Kristyanang Katiwala dahil may pinagkasunduang Pahayag ng Pananampalataya.

Ang doktrinang ito ay nagkaroon ng mga institusyunal na mga pagkaunawa na inakong patakaran at pamamaraan ng Iglesya. Halimbawa, ang teksto sa Leviticus 27:30 [“Lahat ng ikasampung bahagi, maging binhi o bunga ng pananim ay nakalaan kay Yahweh”] ay may expanded na patakaran na ang bawat Iglesya Lokal ay maglaan ng 22% ng kanyang ikapu at iba pang handog (liban sa ilan) para sa sumusunod: Asembliya Heneral (9%) at Kumprensya (13%).

Ibig sabihin nito ay ang ikapu sa bawat lingguhang alay ay 22% nito ay kakaltasin para sa AH at K, respectively. Responsableng gamitin ng Iglesya Lokal ang 78% ng ikapu para sa kanyang pagsagawa ng misyon ni Kristo. Pananagutan nito kung paano pinangasiwaan ang 78% ng ikapu.

Ganon din ang inaasahan sa AH at K. Mayron man o walang Biblical na batayan ang ganitong patakaran ay hindi na isyu sapagkat ito ay napagkasunduan ng mananampalataya. Tungkol sa hindi natitinag na pagaari (real property) na ibinigay-in-trust ay kailanman ay hindi puedeng ma appropriate. Ang Biblical tenet para nito ay ibalik sa nagbigay kung wala na sa kasunduang paggamit ang property o pagkalipas ng 50 years ng gamit ay magkasundo muli.

Ang CSRD manual of operations, at Finance accounting at management manual ay may takdang pamantayan at proseso ng pangangasiwa ng mga properties ng Iglesya. ‘Foul’ na legalidad na pamamaraan na karakarakang baguhin ang nakasaad sa mga manual sa pamamagitan ng ultra sentralismong pagkilos ng pamunuan para isulong ang maisipan.

Ang AH at K ay manguna sa pagsunod sa patakaran at proseso ng paggamit ng ikapu at ibang yaman. Akma sa theolohiyang Kristyana na ang UCCP ay mag organisa ng pamamaraan ng pangangasiwa tulad ng CSRD at Church finance cccounting and management manuals.

Inihahanda ang taunang Financial Report upang ibigay sa kung sino mang UCCP na kaanib na ibig magkaroon ng kopya. Ang dokumentong ito ay hayag sa lahat ng kaaniban. Pananagutan ng bawat isa lalo’t higit ang pamunuan na manguna sa responsable at bukas (transparent) ng lahat ng pangangasiwa.

Ang Sambahayang UCCP na inaasahan na Mabuting Katiwala ni Kristo ay matuwid na nagtakda ng proseso ng pangangasiwa ng ipinagkatiwalang alay ng kaaniban. Ang mga prosesong ito ay nagtitiyak ng tamang gamit ng yaman ng Iglesya. Kailanman ay hindi maaring baguhin ang proseso na walang pahintulot ang kaaniban. Malaki ang pagkukulang kung impormasyon lamang ang ipinapaabot sa kaaniban sapagkat sa mga prosesong ito ay kasama ang sanggunian ng mga kaaniban sa gawain ng pangangasiwa.


(iv) Katiwala ng ekolohiya
Kasama sa pagiging Mabuting Katiwala ay ang pangasiwa ng likas yaman ng mundo (enerhiya, tubig, hangin, lupa, gubat, ecosystem goods at services, financial resources , capital, administrative, at human resources).

Ang mga ito ay handog mula sa Diyos para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Matandaan ko na may binalangkas ang Laguna 2 District na programa subalit ay hindi naisakatuparan.

May ilang proyekto na nauna na pangkumperensya subalit ay ipininid na walang gasinong malinaw na impact at aral na natamo. Parang putol putol ang kilos ng Iglesya sa usaping proteksyon at pagpaunlad ng ekolohiya.

Mabalikan ko rin na late 1990s ay nagusap ang pamunuan na sinupin ang climate theology ng UCCP at magpatupad ng pangmatagalang pagkilos dahil sa ang isyung pagbago ng klima ay lalampas sa susunod na henerasyon at sa susunod pa.

Ang disaster management ng mga kalamidad at sakuna ay sa kalakhan ay dulot ng pagbago ng klima kaya mas proactive ang position ang pagfocus sa climate change. Tila hindi profoundly na nakikita ang confessional character ng Iglesya sa usaping ito.

4.0 Magkumpisal, magsisi, humingi ng tawad at magbago

Hindi lingid na sa ating kasaysayan ay may pagkakataong tumingkad ang kamalian ng pangangasiwa ng Iglesya. Natuto tayo sa pagkukulang at kamalian, subalit, may mga bagay na tila patuloy na sumasalungat sa pundamental na prinsipyo ng pagiging Mabuting Katiwala ni Kristo.

Sa panahon ng Propetang Ezra sa kalagitnaan ng kamalian at kasamaan, siya ay nagkumpisal, nagsisi at humingi ng tawad sa Diyos na nagbigay sa kanya ng kapangyarihang mangasiwa. Sinundan nito ng aksyong pagbabago. Malaki ang pagasa ng pagbabago ng Iglesya dulot ng pagtangan natin ng katotohanan.

Ang sabi ng isang manunulat ay active hoping is a practice… “First, we take a clear view of reality; second, we identify what we hope for in terms of the direction we’d like things to move in or the values we’d like to see expressed; third, we take steps to move ourselves or our situation in that direction.”

Sa unahan ng pagninilay ay tumbok ang saklaw ng Mabuting Katiwala ni Kristo. Huwag nga tayong bulag na taga akay. Mabigat ang tungkuling pagbabago na nakasaad sa Mateo 23:23-24 ng sabihing “Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng naaani ninyong yerbabuena, ruda, linga, ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Huwag ninyong kaligtaang gawin ang mga ito kahit na tamang gawin ninyo ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ng ani. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang kulisap sa inyong inumin, ngunit nilulunok naman ninyo ang kamelyo!”

Sa ganitong konteksto ng pagasa ay kinakailangan ang sumusunod na gawain:
Ibalik o’ bawiin ang mga taong pinagkaisahan ng UCCP para sa kasalukuyang kaaniban dahil sa naagnas na ang Batayang Kaisahan – Pahayag ng Pagkakaisa ng limang Iglesya na nagkaisa upang buuin ang UCCP.

Kung nawalan na ng saysay ang Batayang Kaisahan-Pahayag ng Pagkakaisa ay inihiwalay na ang theological connections natin sa kasaysayan at tradisyun mula 1948. Huwag payagang manaig ang pagagnas ng mga tradisyun ng UCCP. Malaking pagkakamali ang pagpayag sapagkat humihiwalay sa panalangin ng kaaniban na;

O gracious God, behold your people. You have called us to remain in covenant with you and with one another. From the beginning, you have always been the solid foundation of the Church. Your providence has been our shelter in the storms of life; your strength our stay as we pursue the vision of our founding parents for a united and uniting, reformed and transforming Church.
You have given us diversity of heritage in our union – which has enriched our capacity for witness and reconciliation as a community of faith…”

Itatag ang dating kaayusan ng awtonomiya/kasarinlan ng Iglesya Lokal na siyang prinsipyo ng buhay, ministeryo at misyon ng Iglesya. Ang pamunuan ng Iglesya ay dapat nasa loob ng demokratikong sentralismo. Namamayani sa kalakhan ang Iglesya Lokal sa pag desisyon, pag plano, pag budget, pagsakatuparan ng programa ng UCCP.

Samakatuwid ay huwag payagan ang ultra-sentralismo o ultra-demokratismo sa Iglesya. Ang awtonomiya ng Iglesya Lokal ay respetuhin sapagkat nasa kanila ang locus ng ministeryo at misyon ni Kristo. Supilin natin na humantong sa usaping “ma assert ang karapatan ng Iglesya Lokal na humiwalay sapagkat ang estado ay nawalan na ng effort na pagsilbihan ang kaaniban at ibinabale wala ang kapakanan at pamantayang tipanan.”

=================
7 Macy, J. and C. Johnstone. 2012. Active Hope: How to face the mess we’re in without getting crazy. New World Library, Novato, CA 94949.
=================

Ibalik at itayo muli ang mga estruktura at proseso ng Iglesya na batay sa tradisyun at kasaysayan ng Protestantismo sa Pilipinas. Ang pagiging theologically consistent sa nakaraan ay mapapayabong ng spiritual wisdom at correctness ng mga ninuno at naunang mananampalataya ang mga pagkilos ng Iglesya.

Ang isang balakid sa pagbabalik ay ang kiling sa burokratismong pamamaraan na tinutulad ng Iglesya ang gobyerno.
Ang mas demokratiko, simple, efficient, madali at makamasang pamamaraan ang dapat tularan na estruktura at proseso. Walang hierarchy ang UCCP.

Binaklas ng protestantismo ang episcopalian hierarchy. Ito ang konteksto na ang Reverendo, Obispo at Conference Minister ay pangunahin na mga Pastor natin. Sila nga lamang ay may ehekutibo na tungkulin. Masarap nga na marinig na Pastor ang lahat at wala na iyong titulo. Kaya huwag ninyo akong tawagin na ano pa man. Ako ay si Kapatid Noel ninyo.

Panumbalikin ang alab ng ministeryo at misyon ng Iglesya Lokal upang ang kabuuang UCCP ay dumako sa mga intensyon ng pinagkaisahan noong 1948.

Ang ating mga pastors, theologians, priests, diaconal ministers, lay preachers, at administrators ay umangkin ng marahil na 90% ng kanilang panahon at gawa sa kongregasyon ng mga Iglesya Lokal.

Napakaliit kong alagad. Patawad po Panginoong Hesus. Ako ay iyong gamitin. Amen.

=========
Adopted from Anti-Duhring. ?
=========

Leave a Comment

shares